Isang Pamilya Hindi Inakala na Magiging Source of Income pala nila ang kanilang Naitayong Napakagandang Bahay Bakasyonan sa Kanilang Probinsya sa Tayabas, Quezon

Dahil sa ganda ng mga pribadong rest house na ipinapatayo ng mga homeowners ay marami ang humahanga rito. Kung minsan, may iilan din na nais na magbakasyon dito. Ito nga ang nangyari sa family rest house na pagmamay-ari ni Gina Marie Paderes Dionisio.

Kwento ni Gina, plano lamang niya at ng kaniyang asawa na gawing isang family rest house ang kanilang property upang magkaroon sila ng pansamantalang tirahan sa tuwing uuwi sila sa Tayabas, Quezon.

Ngunit dahil sa ganda ng lokasyon nito gayundin ang disenyo ng mismong rest house ay nagkaroon ng interes dito ang ibang tao at ninais din nila na magbakasyon dito.

Dahil dito, ang dating simpleng bakasyunan ng kanilang pamilya ay naging isang private resort na para sa kanilang mga bisita at ngayon nga ay kilala na ito sa tawag na Casa Melan Private Resort. Sa dami ng gustong bumisita sa kanilang rest house ay minabuti nilang pagandahin pa ito.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Sa labas pa lamang nito ay tiyak na mamamangha agad ang mga bisita. Mayroon itong napakaganda at tahimik na garden kung saan maaaring makapagrelax at makapagmeditate ang mga bisita. Sa iba’t ibang bahagi ng garden na ito ay makikita ang benches.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Sigurado naman na magiging komportable dito ang mga bisita dahil napalilibutan ng napakaraming punong kahoy ang property. Hindi naman makukumpleto ang isang resort kung wala ang swimming pool lalo na ngayong panahon ng tag-init. Sa unahang bahagi nga ng resort ay makikita ang kanilang swimming pool na talagang nang-eenganyo sa mga bisita na magtampisaw rito.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Tuwing gabi naman ay maaaring mag-camp ang pamilya at mag-enjoy sa bonfire place ng resort.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Hindi rin naman magpapahuli ang kagandahan ng interior design ng rest house. Mayroon itong dalawang palapag kung saan mapapansin ang nature theme ng buong bahay dahil sa mga mwebles nito na gawa sa kahoy gayundin ang iba’t ibang palamuti at halaman sa loob.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Dahil karaniwang para sa magkakaibigan o magkakapamilya ang rest house na ito ay talagang nakakabilib ang mga common areas nito. Isa na nga rito ang dining area na mayroong napakalaking dining table na gawa sa kahoy.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Maging sa silid nga na ito ay matatanaw pa rin ang preskong tanawin ng Quezon. Ang bawat espasyo rin sa bahay na ito ay ginamit nang husto nina Gina gaya na lamang ng isang silid kung saan makikita ang dalawang double deck beds.

Dahil dito, ang kwarto na ito kung saan karaniwang kasya ang dalawa hanggang tatlong tao ay maaaring magamit ng apat na tao. Dagdag pa rito, nagkaroon pa sila ng karagdagang espasyo para sa isang lounge area kung saan maaaring makapagpahinga ang mga bisita.

Photo credits: Marjorie Lyn Lunar Coro | Facebook

Bukod sa ganda ng mismong rest house ay masasabing tahimik at malinis din ang lugar. Perpekto ito para sa mga bakasyunista na nais magpahinga at pansamantalang lumayo sa syudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *