Isang Pamilya Binili sa Pag-ibig ang Foreclosed Property na ito at Pinatayuan nila ng kanilang Pangarap na Two-Storey House na May Kahanga-hanga na Disenyo

Hindi maipagkakaila na kakikitaan ng potensyal ang mga foreclosed properties na nabibili ng mga homeowners. Kadalasan, ang mga properties na ito ay mayroon pang magagandang istruktura o kaya naman ay mayroong perpektong lokasyon. Dahil dito, kinakailangan lamang na mapaganda ang mga property na ito.

Ibinahagi nga ng netizen na si Lizzie Pajarillo ang dating anyo ng bahay na isa pa lang foreclosed property. Mayroong sukat na 40 sqm. ang lupa ng property na ito at una nila itong nabili sa Pag-IBIG. Mula sa litratong ipinakita ni Lizzie, makikita na may kaliitan ang bahay ngunit mayroon naman itong dalawang palapag.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Simple lamang din ito at mapapansin ang mga light materials na ginamit upang maipatayo ito. Dahil sa estado ng property noong nabili nila ito, minabuti nilang gibain na lamang ang bahay at magpatayo na lamang ng panibago at mas magandang tahanan para sa kanilang pamilya.

Gaya ng orihinal na bahay, mayroon ding dalawang palapag ang bagong bahay kaya naman mayroon na itong 88 sqm. na floor area.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Mayroon din itong isang garahe kung saan kasyang-kasya ang ilang sasakyan at maaari pang magamit bilang play area o kaya naman ay pahingahan. Dahil sa lawak ng garaheng ito ay maaari pa itong magamit sa kanilang simpleng salo-salo at mga selebrasyon. Mula naman sa garahe ay maaari nang mapuntahan ang mismong bahay.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Pagpasok sa unang palapag ng bahay na ito ay makikita ang isang malawak na espasyo na maaaring magamit bilang receiving area. Ipinasilip din ni Lizzie ang kusina gayundin ang comfort room ng palapag na ito na mayroong toilet at shower area.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay ang tinatawag ni Lizzie na combined living room at dining area.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Mayroong high ceiling ang lugar na ito kaya naman nakapaglagay sina Lizzie ng kakaibang chandelier. Simple naman ang living room dahil mayroon lamang itong isang L-shaped sofa. Sa kabilang bahagi naman ng espasyo ay ang dining area na mayroong four-seater dining table.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Malaki pa ang espasyo ng mga silid na ito kaya naman maaari pang makapaglagay si Lizzie ng iba’t ibang kagamitan at palamuti ngunit kung gusto naman nila ng minimalist na tema para sa bahay na ito ay tamang-tama na ang mga simpleng kagamitan dito.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Mula naman rito ay mapupuntahan ang loft kung saan makikita ang master bedroom. Kumpara sa simpleng neutral colors ng mga common areas ay mayroong matingkad na kulay berde ang kwartong ito.

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Photo credits: Lizzie Pajarillo | Facebook

Mayroon itong queen-sized bed, telebisyon, at espasyo na nagagamit bilang pahingahan. Ipinakita rin ni Lizzie ang kanilang master bathroom. Gaya ng unang comfort room sa unang palapag ng bahay, simple lamang ito at mayroong toilet at shower area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *