Isang OFW Pwede ng Magretiro sa Kanyang Naipatayong Dream Retirement House Ngayong Wala na siyang Inaalala Lalo na ngayong Napagtapos niya na Lahat ng Kanyang mga Anak sa Pag-aaral

Ang retirement home ay isang mahalagang property na maaaring maipundar ng isang tao para sa kaniyang sarili o sa kaniyang mga magulang. Ang retirement home na ito ay magsisilbing permanenteng tahanan o kaya naman ay vacation house para sa mga indibidwal o mag-asawang malayo na sa kanilang mga anak. Dahil sa mga retirement homes na ito, magkakaroon sila ng sariling lugar kung saan sila maaaring makapagpahinga o maglibang.

Bagamat magandang magkaroon ng isang retirement house, hindi madali ang pagpapatayo nito kaya naman talagang kailangan ng pagsisikap at pagtitipid gaya na lamang ng ginawa ng mag-asawang sina Ricky at Sol Dimaala.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Totoong ang retirement home na ito ay hindi lamang mula sa pagsisikap ni Ricky kundi galing din sa dugo at pawis nilang mag-asawa. Ayon nga sa kanila, tatlong taon pa lamang silang mag-asawa noong magdesisyon si Ricky na magtrabaho bilang isang OFW sa Saudi Arabia.

Hindi naging madali ang buhay dito ni Ricky dahil bukod sa kaniyang trabaho bilang laborer ay mayroon din siyang mga part-time jobs sa tuwing siya ay nagkakaroon ng day-off. Masasabi nga na talagang doble-kayod si Ricky at hindi niya alintana ang pagod at lungkot para lamang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Dito naman sa Pilipinas, siniguro ng kaniyang asawa na si Sol na nagagamit nila nang maayos ang perang pinaghirapan ni Ricky. Ang ilan nga sa perang ito ay inilaan niya para sa pag-aaral ng kanilang tatlong anak habang ang iba naman ay inilaan nila para sa kanilang negosyo na sari-sari store. Kalaunan, nakabili rin sila ng isang pampasaherong sasakyan gayundin ang ilan pang properties sa Caloocan at Silang, Cavite.

Dahil sa pagpupursige ng mag-asawa na makapag-ipon ay unti-unti na rin nilang nakamit ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga anak. Kaya naman gaya ng ibang mga magulang ay sinimulan na rin nilang tuparin ang kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Isa na nga rito ay ang pagpapatayo ng isang retirement house para sa kanilang dalawa. Dahil mayroon nang 300 sqm. na property ang mag-asawa sa Cavite, minabuti nilang magpatayo na lamang ng isang maliit na bahay kubo. Ngunit dahil mayroon pa silang natitirang ipon ay nagdesisyon silang magpatayo ng konkretong retirement house.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Sa tulong nga ng kanilang mga anak ay natapos din ang retirement house na ito sa loob ng apat na buwan. Napalilibutan ito ng napakaraming ilaw kaya naman talagang maliwanag ito maging sa gabi.

Mapapansin na hindi pa fully-furnished ang bahay ngunit mayroon pa rin silang sapat na espasyo para sa bawat silid.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Mayroon ding veranda ang bahay kung saan sila maaaring makapagpahinga. Bukod dito, isa rin sa paboritong lugar ng mag-asawa ang kanilang bahay kubo sa likurang bahagi ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *