Isang Netizen na Dating Naninirahan sa Tabi ng Riles, Proud na Ibinahagi na Ngayon ay Mayroon na siyang Sariling Bahay

Hindi biro ang paninirahan sa mga informal settlements. Bukod sa piligrong dala ng mga lokasyong ito gayundin ang delikadong mga materyales na ginagamit upang maitayo ito ay wala ring duda na hindi komportable ang mga naninirahan dito dahil sa limitadong espasyo ng mga bahay. Dahil dito, talagang kahanga-hanga ang mga homeowners gaya na lamang ng netizen na si Mau Era na nagsikap upang magkaroon ng maayos na tirahan.

Kwento ni Mau, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang manirahan sa isang maliit na bahay kung saan nagsisiksikan ang kanilang malaking pamilya. Bukod dito ay wala rin silang pribasiya dahil ang kanilang comfort room ay pinaghahatian ng ibang pamilyang nakatira sa kanilang lugar.

Noong siya naman ay tumuntong ng 9 na taong gulang ay lumipat sila sa kanilang bagong bahay sa tabi ng riles. Matapos naman ang dalawang taon ay lumipat muli ang kanilang pamilya. Inakala ni Mau na may pagbabago na sa kanilang pamumuhay ngunit nabigo siya dahil ang kanilang bahay ay malapit pa rin sa riles ng tren. Dito naranasan ng pamilya ni Mau na magbantay sa kanilang bahay buong magdamag dahil binabaha ito sa tuwing umuulan.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Dagdag pa niya, hindi rin mainam ang lokasyon ng bahay nila sa tuwing panahon ng tag-ulan dahil sa hindi kanais-nais na amoy na nanggagaling sa kanal sa ilalim ng kanilang bahay. Makalipas naman ang dalawang taon ay nakalipat ulit sina Mau sa isang bahay sa tabi ng riles.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Ayon sa kaniya, ang sukat ng bahay na ito ay mas malaki lamang nang kaunti sa isang parking space kaya naman dito naranasan ng walong miyembro ng kanilang pamilya na matulog nang nakatagilid upang magkasya ang lahat sa maliit na espasyong ito.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Sa kabutihang palad ay nailipat naman ang pamilya ni Mau sa isang relocation site sa Cavite at mula nga noon ay unti-unti siyang nakapagsimula na magtayo ng kaniyang sariling dream house. Ngayon, ipinagmamalaking ibinahagi ni Mau ang napakagandang bahay na ito.

Sa litratong ibinahagi ni Mau ay makikita ang dalawang palapag ng kaniyang modern house. Sa loob ng tahanan ay makikita ang malawak na espasyo ng living room.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Mayroon itong kulay gray na couch na bagay na bagay sa tiles ng silid.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Nakabili rin ng isang wooden display rack si Mau na maaari nilang paglagyan ng mga palamuti o appliances. Bagay din sa neutral colors na tema ng bahay ang itim na dining table ng pamilya. Sa isang bahagi naman ng bahay ay ang kusina.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Mayroon itong L-shaped na counter para sa stove at sink. Sa ibaba at itaas na bahagi naman ng counter ay ang mga kabinet para sa kanilang iba’t ibang kagamitan. Mayroon ding karagdagang counter na nagsisilbing working space at divider ng kusina at dining area.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Dagdag pa sa mga ito ay ipinakita rin ni Mau ang kanilang napakaganda at mas pribadong comfort room.

Photo credits: Mau Era | Facebook

Talagang malayo na nga ang kasalukuyang tahanan nina Mau kumpara sa dati nilang mga tirahan kaya naman walang duda na masayang-masaya niya itong ibinahagi sa iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *