Isang Lumang Bodega Naging Sosyalin ang Itsura Matapos Iparenovate ng Lalaki na ito sa Isang Napakaganda at Nakakamanghang Workspace at Tulugan na Espasyo

Mayroon din ba kayong bodega sa inyong tahanan na naiisip niyong muling ayusin, kung mayroon, marahil makakakuha ka ng magandang ideya sa ibibida nating napakagandang work space ngayon na noon ay isang bodega na tinatambakan ng kung ano-anong mga lumang kagamitan.

Sa Facebook community page na Home Buddies ay ibinahagi ng netizen na si Jay Guerrero ang naging napakagandang resulta ng ginawang renovation sa kanyang dating bodega na ngayon ay own workspace na niya.

Ayon kay Jay isa siyang Remote work Video Editor at Graphic Designer simula pa noong pandemya hanggang ngayon, kaya naman sa trabaho niyang ito ay kinakailangan niya ng isang espasyo sa kanilang tahhanan na magiging workspace niya kung saan siya’y makakapagtrabaho ng maayos.

Ibinahagi din niya na kaya rin niya naisipan na ipaayos ang espasyo sa kanilang tahanan na halos isang taon ding naging bodega, ay upang pagkatapos niya magtrabaho ay mayroon siyang lugar na agad niyang mapapahingaan kasama ang kanyang furbaby. Pagbabahagi pa niya, dati siyang nag-a-abroad ngunit naisipan niyang huwag ng bumalik sa ibang bansa, at piniling yakapin na lamang ang trabaho niyang remote work.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

“Hello po mga ka HB sharing to you My 1 year old Bodega Renovation Project converted as my own workspace/home . Remote work Video Editor & Graphic Designer since pandemic until now para after mag out sa work mag dive nalang ako sa tulugan ko at kasama matulog furbaby ko ”, saad niya.

Samantala, tunay namang napakaganda ng naging renovation ng dating bodega nina Jay na ngayon nga ay ang kanya ng malinis, maayos, maaliwalas at modernong work space area sa kanilang tahanan.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Sa mga larawan na kanyang ibinahagi ay masisilayan ang “before and after” nito, kung saan sa unang larawan ay makikita ang pagiging tipikal nitong bodega, na tunay na napakaraming iba’t ibang gamit na nakatambak at ang iba pa ay nakalagay sa malalaking kahon at sako bag.

Makikita naman sa mga sumunod na larawan ang naging resulta ng naging renovation sa bodega nilang ito, kung saan mula sa ceiling, dingding at flooring ay tunay na nagkaroon ng malaking pagbabago, ganun din sa mga kagamitan dito.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Talaga namang napakaganda ng ceiling nito na PVC ang materyales na ginamit. Mas lalo pa ngang gumanda ang ceiling dahil sa mga modernong ilaw na ikinabit dito, na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid. Isa naman sa mga hindi na-maintain sa silid na ito ay ang malawak na wood cabinet sa gilid, na binago lang ang pinta.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Tunay namang nakakamangha ang workspace na ito ni Jay sa kanilang tahanan na dati ngang bodega, dahil kung noon ay mga tambak na gamit ang makikita dito, ngayon ay masisilayan na rito ang kanyang mga modernong kagamitan, tulad ng computer desk, gaming chair, tv, desktop at sofa bed.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Panigurado din na kumportableng nakakapagtrabaho siya dito at nakakapagpahinga kapag out niya sa trabaho, dahil maliban sa napakaganda ng silid niyang ito, ay airconditioned pa.

Photo credits: Jay Guerrero | Facebook Group Home Buddies

Maraming mga netizens naman ang talagang humanga sa napakagandang resulta ng renovation na ito na ginawa ni Jay sa dati nilang bodega, at ayon sa kanya ang pinsan niyang Architect ang isa sa mga tumulong sa kanya para ma-achieve ang napakagandang proyekto niyang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *