Isang Home Owner, Ipinasilip ang Kanyang Nakakamanghang Japandi-Themed Condominium sa Quezon City kung Saan may Kombinasyon ito ng Aesthetic, Minimalism at Functionality

Talagang nauuso sa mga homeowners ngayon ang simple, maganda, at higit sa lahat ay functional na disenyo para sa kanilang mga bahay. Dahil dito, marami ang gumagamit ng Japanese styles gaya na lamang ni Danjo Pabiloña na ibinahagi ang kaniyang condominium unit sa Quezon City.

Ayon kay Danjo, nabili niya ang unit na ito noong 2018 at nagsimula siyang magkaroon ng interes sa mga Japanese na tema noong bumisita siya sa bansa para sa kaniyang mga business trips. Nagustuhan umano niya ang kasimplehan at kagandahan ng temang ito kaya naman pinili na rin niyang magkaroon ng parehong tema para sa kaniyang sariling bahay.

Pagpasok pa lamang sa bahay ay talagang makikita na ang Japandi style o ang Japanese at Scandinavian themes ng condominium unit na ito dahil sa minimalist na mga dekorasyon gayundin ang makikitang iba’t ibang Japanese elements gaya na lamang ng Japanese curtains sa kaniyang mga pinto.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Gaya rin ng mga tradisyunal na bahay sa bansang Japan ay mayroong genkan ang unit na ito kung saan inilalagay ang mga sapatos. Ngunit dahil maliit lamang ang espasyo ng bahay ay gumamit lamang si Danjo ng space-saving na kabinet.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa gawing kanan naman ng lugar ay ang kaniyang mugen living room na hango sa salitang “infinity” sa Japan. Ayon kay Danjo, dahil sa salamin na makikita sa parteng ito ng bahay ay mistulang mayroong infinity at malawak na espasyo ang lugar. Dagdag pa niya, siniguro din niyang simple ngunit maganda ang living room na ito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ibinahagi rin ni Danjo na minsan na siyang nagtrabaho bilang isang professional chef kaya naman talagang binigyang-pansin niya ang bawat detalye ng kusina. Bukod sa layout ng mga parte nito gayundin ang iba’t ibang mga mwebles ay mabusisi rin ang pagpili ni Danjo ng kaniyang mga kitchen equipments.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa katunayan, mayroon siyang ilang kagamitan na mula mismo sa Japan at hango sa isang kilalang anime series. Mayroon ding horigotatsu area ang bahay ni Danjo na nagagamit bilang tambayan at perpekto rin namang gamitin bilang dining area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Bukod sa kagandahan ng espasyo, talagang functional rin ito dahil ang flooring ng horigotatsu ay ginamit nila bilang storage space para sa sports equipments at iba pang kagamitan ni Danjo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa likod naman ng mga fluted wood panels ay makikita ang kaniyang hidden pantry.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinasilip din ni Danjo ang kanyang Comfort Room kung saan talagang may napakaaliwalas at napakagandang disenyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Gaya naman ng panels na ito ay makikita rin ang parehong disenyo sa comfort room upang magmukha itong malawak. Bukod dito, ipinasilip din ni Danjo ang kaniyang loft bedroom. Sa ilalim na bahagi ng loft ay ang kaniyang mini office gayundin ang iba’t ibang kagamitan para sa kaniyang hobbies.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa ilalim naman ng kaniyang hagdan ay ang closet para sa kaniyang mga personal na kagamitan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Isa rin sa kinagigiliwan ni Danjo ang balcony kung saan siya maaaring magtrabaho o magpahinga habang tinatanaw ang view ng syudad.

Tour a Japanese-Inspired Condo Unit, Fall in Love with Its Functionality and Style | Tiny Home Tours

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *