Roxanne Ginoo Binibisita Madalas ang kanyang mga Magulang Upang Maglinis sa Bahay at Alagaan ang mga ito

Sa paglipas ng panahon, batid natin ang ating pagtanda. Bawat taon na matuling lumilipas, ito’y bumabakas hindi lamang sa ating pisikal na hitsura, kundi maging sa ating kalusugan at kakayahan.

Kung tayo ay tumatanda, ay alam din natin na mas tumatanda ang ating mga magulang, na mas humihina ang kanilang pangangatawan at mas bumabagal ang kanilang pagkilos. Ang iba marahil sa atin ay hindi ito napapansin, ngunit ito ang reyalidad, na dapat din nating pagtuunan, lalo na kung mahal natin ang ating mga magulang.

Photo credits: Kami.com.ph

Samantala, ang aktres na si Roxanne Ginoo ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming mga anak na tulad niya pagdating sa pagbibigay oras at pagmamahal sa magulang. Nito lamang nakaraan, ay isang nakakaantig na damdamin ang ibinahagi ni Roxanne sa kanyang social media account, kung saan ay kanyang ipinakita ang pinagkakaabalahan niya tuwing araw ng Linggo, at ito ay ang pagtungo sa tahanan ng kanyang mga magulang, upang asikasuhin ang mga ito.

Photo credits: Kami.com.ph

Mapapanood sa video na ibinahagi ng aktres ang naging pag-aasikaso niya sa kanyang mga magulangna bakas na din ang edad at halatang matatanda na. Makikita na hindi lamang pagbisita ang ginawa ni Roxanne sa tahanan ng kanyang mga magulang, dahil maliban sa kamustahin ang mga ito, ay minabuti niya ding maglinis sa buong bahay.

Photo credits: Kami.com.ph

Para makapagpahinga ang kanyang mga magulang ng araw na ‘yon, sa kanyang pagbisita ay pinili ni Roxanne, na maglinis na din sa buong bahay ng mga ito. Siya ay nagwalis, naghugas ng mga hugasang pinggan, nagpunas ng mga bintana at ibang mga gawaing bahay.

Photo credits: Kami.com.ph

Masisilayan din ang naging pag-aasikaso ni Roxanne sa kanyang ina at ama, na siya naman talagang nakakabilib at nakakagaan sa pakiramdam.

Photo credits: Kami.com.ph

Ayon naman mismo kay Roxanne, tuwing araw ng Linggo ay talagang bumibisita siya sa tahanan ng kanyang mga magulang, hindi lamang upang makita at makamusta ang mga ito, kundi para din asikasuhin ang mga ito. Pagbabahagi pa niya, bago siya umalis sa tahanan ng mga magulang niya, ay sinisigurado niya na maiiwan niya ang mga itong maayos at wala ng anumang iisipin pang gawaing bahay.

Photo credits: Kami.com.ph

Payo naman ni Roxanne sa lahat, bigyan natin ng panahon ang ating mga magulang at pahalagahan ang bawat oras na sila ay ating nakakasama dahil kung tayo ay tumatanda, mas tumatanda din sila.

“This is how i spend my sundays at my parents house. i make sure maiiwan ko silang maayos na ang bahay at wala na silang maiiwanan na trabaho, bigyan panahon natin ang ating mga magulang, pahalagahan natin bawat oras na nakakasama natin sila habang tayo ay tumatanda, sila rin ay tumatanda.” saad ni Roxanne.

Photo credits: Kami.com.ph

Maraming mga netizen naman ang natuwa sa video na ito ng aktres, dahil sa makikita naman talaga dito ang wagas na pagmamahal ng isang anak sa kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *