“Graduate na sa pangungupahan”: Mag-Asawa, Proud na Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na Sariling Bahay Katas ng Kanilang Pagsusumikap at Pagtutulungan

Hindi na bago para sa mga mag-asawa na manirahan muna sa kanilang mga magulang o kaya naman ay mangupahan muna habang sila ay nag-iipon pa lamang para sa kinabukasan ng kanilang bubuuing pamilya. Sa kabila nito, inaasam pa rin ng ilan na makapagpatayo o makabili ng kanilang sariling tahanan. Hindi na nga naiiba rito ang mag-asawang sina Eduard Corpuz at Janine Pariña-Corpuz.

Gaya nga ng ibang mag-asawa, naranasan din nila na mangupahan ngunit ngayon ay maswerte silang nakabili ng isang bahay. Dahil dito, masayang ibinahagi ni Janine na ngayon ay graduate na nga sila sa pangungupahan. Dagdag pa rito, masaya rin niyang ibinahagi ang ilang litrato mula sa kanilang turnover day. Kasama rin sa mga litratong ito ang ilang bahagi ng kanilang bagong bahay.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Mayroong eleganteng disenyo at arkitektura ang bahay na ito kaya naman talagang bagay ito para sa mga maliliit na pamilya. Makikita ang isang garahe gayundin ang katamtamang espasyo para sa kanilang garden. Sa loob ng kanilang tahanan ay mapapansin din ang kombinasyon ng kulay puti, brown, at gold sa mga silid.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Isa na rito ang living room na talaga namang elegante dahil sa gold accents na makikita sa iba’t ibang mwebles at chandelier. Makikita rin ang dining table at chairs na gawa sa kahoy.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Pagdating naman sa kusina ay mapapansin na mas simple ito ngunit narito naman ang mahahalagang appliances at kitchen equipments. Bagamat simple rin ito ay mayroon naman silang inilaan na silid para sa kanilang pantry.

Dagdag pa rito, makikita rin ang isang island counter na maaaring magamit bilang isang mini bar o karagdagang dining space. Ipinasilip din ni Janine ang kanilang powder room na nagagamit din bilang laundry room.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay ang master bedroom na talaga namang napakalawak at mayroong minimalist na disenyo.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Bongga rin ito dahil mayroon itong sariling master bathroom na mayroong toilet, shower, at bathtub. Hindi rin makukumpleto ang magarang kwarto na ito kung wala ang walk-in closet at vanity table.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Bukod sa master bedroom na ito, mayroon ding karagdagang kwarto ang bahay na maaaring magamit bilang guest room o kaya naman ay bilang nursery para sa kanilang magiging anak.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Mayroon din silang pangalawang bathroom na magagamit ng kanilang mga bisita. Dagdag pa sa mga silid na ito ay mayroon ding conference room sa loob na ginagamit ngayon ng mag-asawa bilang isang home office. Pagkatapos naman ng kanilang pagtatrabaho ay maaari silang magpahinga sa balcony na hindi lamang isang perpektong pahingahan kundi pwede na ring maging exercise area.

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Janine Pariña-Corpuz | Facebook Group Home Buddies

Walang duda na talagang maganda ang bahay na ito at nakakabilib na nakapagpundar agad ang bagong mag-asawa ng kanilang sariling bahay. Siguradong marami ang magkakaroon ng inspirasyon at ideya mula rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *