Ginang na Dating Labandera at Nakikitira Lang Sa Silong, Nabago ang Estado ng Buhay at Nakapagpundar ng Sariling Bahay Matapos Magtagumpay ang Kanyang Buko Roll Business

Isa na namang nakaka-inspire na kuwento ang ating matutunghayan ngayon, at ito ay ang puno ng inspirasyon na kuwento ng buhay at naging tagumpay ng may-ari ng Cabuyao Original Buko Roll Baker na si Sarah Jane Ayag Ramos.
Ang kuwento ng buhay ni Sarah Jane, ay tunay na inspirasyon, dahil noon siya ay isa lamang labandera na nakikitira sa silong, ngunit ngayon ay isa na siyang matagumpay na business owner ng kanyang Buko Roll Bakery at mayroon na din siyang sarili na napakagandang tahanan.

“I don’t know who needs to see this, but Isaiah 60:22 says, “When the time is right, I the Lord will make it happen”, ito ang naging pagsisimula niya sa pagbabahagi niya ng kanyang kuwento sa Home Buddies kung saan kanya ding inilakip ang ilang mga larawan ng kanyang napakagandang tahanan na naipundar.

Kuwento ni Sarah Jane siya ay single mother ng kanyang apat na anak, matapos siyang iwan ng dating niyang asawa. Sa kabila ng pagiging isang single mom, itinaguyod niya umano ang kanyang mga anak sa pagiging isa niyang labandera noon habang sila ay nakikitira lamang sa silong.

“From being a Labandera and Iniwan ng asawa with 4 kids to a successful business owner

“From nakikitara sa ilalim ng silong to may sariling bahay ”, aniya. 

Sa dami ng pagsubok na kinaharap niya sa kanyang buhay ay may mga beses na din umano na nais na niyang sukuan ang lahat, ngunit dahil sa kanyang pananampalataya, ay nagawa niyang lagpasan ang mga ito. Sa kanyang pagbangon ay kasama niya ang kanyang mga anak, at dito na din nagsimulang makatuwang niya ang Buko Roll sa hirap ng buhay at siyang naging daan upang makamit niya ang magandang buhay nila ngayon.

“There always a time na gusto ko ng sumuko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko pero sobrang bait ni Lord hindi nya hinayaan na manaig ang takot sa puso ko. Binigyan nya ako ng lakas para bumangon at buuin ang pagkatao ko kasama ang mga anak ko. Sobrang salamat sa Buko Roll na naging katuwang ko sa hirap ng buhay at ang dahilan kung bakit ako nakabangon sa pagsubok ng buhay”, saad pa ni Sarah Jane.

Photo credits: Kami.com.ph

Dahil nga sa tagumpay ng kanyang Buko Roll Bakery unti-unting nabago ang buhay ni Sarah Jane at kanyang apat na anak, kung noon sila ay naninirahan sa silong, ngayon ay mayroon na silang sariling tahanan, na hindi lamang kumportableng tirhan, kundi malaki at maganda pa na tunay na maipagmamalaki nila.

Photo credits: Kami.com.ph

Makikita sa post ni Sarah Jane sa Home Buddies ang ilang mga larawan ng naipundar niyang tahanan, kung saan ito ay isang two-storey home na ating basic home lamang , ngunit ngayon ay isa ng tahanan na may modernong exterior at interior design matapos niya itong ipa-renovate.

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Ang ibang larawan naman ay magpapakita ng kanyang naging pag-uumpisa sa negosyo niyang buko roll.

Photo credits: Kami.com.ph

Sa huling bahagi naman ng kanyang post ay ibinahagi ni Sarah ang pagpapasalamat niya sa mga virtual kapitbahay niya sa Home Buddies na nagbigay inspirasyon din umano sa pagbuo niya ng kayang tahanan. Ibinahagi din niya kung gaano kabuti ang Diyos, dahil sa naging malaki at magandang pagbabago sa kanyang buhay.

“Sa mga virtual kapitbahay ko dito sobrang salamat sa lahat ng inspiration Tunay ngang napaka buti ng Diyos at alam nya kung pano gumawa sa ating buhay “, ani Sarah Jane.

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Ang nakaka-inspire na kuwento ng buhay na ito ni Sarah Jane ay patunay na kahit anong hirap ang ating pagdaanan at gaano man kataas ang pangarap na ating nais makamtan ito ay maaring maging posible, basta’t magpatuloy lang tayo sa laban ng buhay at huwag kalimutang humingi lagi ng gabay sa Pooong Maykapal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *