Francine Diaz, Ipinasilip ang Simple Ngunit Napakagandang Bahay na Kanyang Naipundar Para Sa Kanyang Pamilya Katas ng Kanyang Pagsisikap

Isa nga ang aktres na si Francine Diaz sa pinakasikat na artista ng bagong henerasyon. At hindi na nga ito nakapagtataka dahil talagang taglay na ni Francine ang talento at magandang mukha ng isang artista. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon ay matinding hirap rin sa buhay ang kanyang pinagdaanan.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Tila sulit naman ang lahat ng hirap at pagod ni Francine sa kanyang pagtatrabaho, dahil sa kanyang pagsisikap ay nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya. Puno ng inspirasyon ang kwento ng buhay ni Francine, dahil mula sa ilang ulit na palipat-lipat ng inuupahang bahay sa loob ng maraming taon, sa wakas nga ay may sarili na silang bahay ngayon.

CREDITS: Karen Davila | YT

Kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Francine ang napakagandang bahay sa Cavite na kanyang naipundar dahil sa kanyang pagsisikap. Sa pagbisita ng broadcast journalist na si Karen Davila sa tahanan nina Francine ay nasilayan nga ng publiko ang ganda ng bahay ng aktres nang mag-house tour ang dalawa.

CREDITS: Karen Davila | YT

Pagpasok nga sa loob ng tahanan ni Francine ay sasalubong ang simple ngunit may napakagandang disenyo ng living room. Makikita rito ang komportableng sofa na naghihintay sa mga bisita. Ibinunyag naman ni Francine na ang sofa sa kanilang living room ay regalo sa kanya ng kanyang Ninong Alvin. Ayon kay Francine, sa halip na mamahaling bag, ay sofa na maaaring magamit ng matagal sa kanilang tahanan ang naisip nitong regalo lalo na nga’t wala pa silang mga kagamitan sa bahay nila. Maliban sa sofa, ay niregaluhan rin siya nito ng isang figurine na may disenyong lobo pataas, na ang kaluhugan nga, ay patuloy na pag-abot sa mga pangarap.

CREDITS: Karen Davila | YT

Makikita rin sa living room ang isang divider na naisip namang lagyan ng mga awards ni Francine. At makikita naman na napakagandang tingnan nito lalo na’t may kwadrado itong disenyo. Ito naman ay ideya ng ina ni Francine kung saan nga, sa dami ng trophy ng aktres ay wala ng lagayan, kaya naman naisip na magpagawa ng isang divider o shelf.

CREDITS: Karen Davila | YT

Katabi naman ng living room ang mini family den, kung saan sila madalas magbonding at manood ng telebisyon para magrelaks. Napakakomportable at nakakarelaks naman talagang maupo sa L-shape sofa na makikita sa den. Mapapansin naman na namaximize naman ang space sa bahay nina Francine. Ipinakita nga ng aktres ang isang wall-cabinet kung saan nakalagay ang kanyang mga sapatos.

CREDITS: Karen Davila | YT

Sa dining area naman ay makikita ang 6-seating dining table na ayon kay Francine ay dati na nilang lamesa na pinaupgrade lang nila, kasama nga ang upuan na may foam na rin ngayon. Ang dati namang lugar na purong lupa at damo, ay isa na ngayong dirty kitchen, kung saan nga ay naisip nilang iextend ang kanilang bahay, para may lugar kung saan naghahanda ng pagkain.

CREDITS: Karen Davila | YT

Napakapresko namang tumambay sa kanilang mini garden na makikita sa labas ng kanilang bahay. Pagbubunyag naman ni Francine ay ang kanyang ama ang nakaisip nito. Ayon pa sa aktres, ay isang plantito ang kanyang ama na sa tuwing umuuwi ay may dalang halaman.

CREDITS: Karen Davila | YT

Hindi man madali ang pinagdaanan sa buhay ng pamilya ni Francine, ay nagawa naman nilang lampasan ang hamon ng buhay, kung saan ay masaya na sa tinatamasa nilang maayos na buhay ngayon.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *