Dating Sidewalk Vendor na Nagsimula sa Kapital na Php10k, Isa na Ngayong Matagumpay na Online Seller at Nakapagpatayo na ng Magarbong Bahay Para sakanyang Pamilya Katas ng kanyang Pagsusumikap

Bago natin maabot ang ating mga pangarap sa buhay ay iba’t ibang mga karanasan muna ang ating pinagdaan at nalagpasan, at ang bawat karanasan na ito ang ating naging motibasyon para mas lalo pang magsikap para sa ating mga pangarap.

Halimbawa na lamang nito ay ang online seller na dating nagtitinda ng mga cellphone sa bangketa, na nagbigay ng inspirasyon sa marami matapos niyang ibahagi ang naging malaking pagbabago sa kanyang buhay dahil sa kanyang pagsisikap.

Magmula nga sa paunti-unting cellphone na ibenebenta niya noon sa bangketa, ngayon ay mayroon ng malaking stockroom na puno ng mga binebenta niyang cellphone at isang malaking tahanan para sa kanyang pamilya ang online seller na ito. Nakakabilib pa dahil mayroon ding mini swimming pool ang kanyang naipundar na tahanan.

Photo credits: Kami.com.ph

Kinilala ang online seller na ito na si Jhon Henrics Milan ng GppPower GadgetShop na dahil sa kanyang pagsisikap ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay lalo na pagdating sa pinansyal. Nagsilbi din siyang inspirasyon para sa marami, lalo na sa mga taong nahihirapan sa kanilang buhay ngayon dahil sa kahirapan.

Photo credits: Kami.com.ph

Ibinahagi ni Jhon na proud online seller siya, at kaya niya ibinahagi ang mga larawan niya kung saan makikita ang naging pagsisimula niya hanggang sa maging matagupay siya at makapagpundar ng sarili nilang malaking tahanan ng kanyang pamilya ay hindi para magyabang kundi para maging inspirasyon para sa marami ang kanyang naging pagsisikap at tagumpay.

Photo credits: Kami.com.ph

Kuwento niya nagsimula siya sa pagtitinda ng mga gadgets sa bangketa noong nasa edad disesyete siya at ang kapital niya ay Php10,000. Nang mga panahon umanong iyon ay iilan lamang ang kanyang stocks ng paninda niyang cellphone dahil sa maliit lamang nga ang puhunan na mayroon siya, sa kabila nito ay hindi siya nawalan ng pag-asawa.

Photo credits: Kami.com.ph

Sa paunti-unti ay nagawa niyang palaguin ang kanyang negosyo at magkaroon ng maraming stocks ng mga paninda niyang cellphone. Kung noon ay sa bangketa lamang siya nagtitinda, dahil sa pagkakaroon niya ng marami ng stocks at kliyente ay sinimulan niya ang pagbebenta onlie at dito mas lalo pang gumanda ang kanyang kita at lumago ang kanyang negosyo.

Photo credits: Kami.com.ph

Dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagsisikap, ngayon ay proud ngang ibinahagi ng online seller na si Jhon ang katas ng kanyang pagsisikap, kung saan ngayon ay mayroon na siyang daan-daang stocks ng mga binebenta niyang cellphone, nakapagpundar na siya ng two-story grand mansion para sa kanyang pamilya na mayroong malawak na garage para sa kanyang SUV, magarang living area, dinin, kitchen, bathroom at bedroom.

Photo credits: Kami.com.ph

Ang malaki at magarang tahanan na ito na naipundar ni Jhon para sa kanyang pamilya ay nagkakahalaga ng Php3-milyon pesos.

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Tunay na lahat ng ating pagsisikap ay may kapalit, kaya naman patuloy lang tayo hanggang sa maabot natin ang ating mga pangarap, tulad nalamang ni Jhon, sinong mag-aakala na ang dating nagtitinda lang sa bangketa ay magkakaroon ng isang mala-mansyong tahanan. Patunay lamang ito na talagang nasa sipag at tiyaga ang tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *