“Dating nagbebenta ng mais, ngayon may sarili ng maisan” Brenda Mage Ibinahagi ang Naipatayong Dalawang Palapag na Amakan House at sa Likod nito ay ang Kanyang Maisan

Isang panibagong property na naman ang matagumpay na naipundar ng komedyanteng si Brenda Mage. Parang kailan lang nga ng masayang ibahagi ng komedyante ang naipundar niyang tahanan para sa kanyang pamilya, na kung saan ay talaga namang bumilib ang madamu niyang tagahanga dahil sa matalino niyang pagamit ng perang kanyang pinaghirapang pagtrabahuan sa mundo ng showbiz.
Ang tahanan na naipundar ni Brenda ay tila hango sa PBB house dahil sa kulay na ipininta niya dito.

Samantala, maliban sa tahanang naipundar ni Brenda, ay isa naman nga sa kanyang mga pangarap ang nabigyan niya ng katuparan at ito ay ang maisan na mayroon ding nakakarelaks na farmhouse.
Sa pinakabagong update ni Brenda sa kanyang socila media account ay proud niyang ibinahagi ang maisan na kanyang naipundar. Ipinasilip niya ang ilang mga larawan na kuha mula sak kanyang maisan.

Photo credits: Brenda Mage | IG

Photo credits: Brenda Mage | IG

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng komedyante ang kanyang napakasayang awra habang ipinagmamalaki ang isa na namang property na kanyang naipundar. Sa larawan ay makikita si Brenda na nakangiti sa kamera habang matatanaw sa kanyang likuran ang mga tanim na mais at ang isang 2-story amakan house.

Photo credits: Brenda Mage | IG

Photo credits: Brenda Mage | IG

Photo credits: Brenda Mage | IG

Ang amakan house na ito ni Brenda sa kanyang maisan ay hindi lang isang simpleng amakan na bahay, dahil ito ay mayroong modernong disenyo at ang mfa bintana nito ay mga salamin, kung saan mula rito ay matatanaw ang maisan ng komedyante.

Sa huling larawan naman ay makikira si Brenda na nakatayo sa isang bahagi ng kanyang maisan kung saan naman sa likuran niya ay matatatanaw ang halos buong maisan niya ganun din ang kanyang amakan house.

Photo credits: Brenda Mage | IG

Ayon kay Brenda noong kanyang kabataan kung saan ay nasa edad pa lamang siyang disesyete ng lumuwas siya ng Maynila at manirahan siya sa Tondo, kung saan upang makaraos sa pang araw-araw isa sa mga pinagkaabalahan niya ay ang magtinda ng mais sa may simbahan ng Quiapo.

“Dating nagbebenta ng Mais ngayon may sarili na akong Maisan 🙂 O was 17yo mung lumuwas ako ng Maynila at sa Tondo ako nakatira nagtinda ako ng Mais sa may Simbahan ng Quiapo… Mais-festation 🙂 PA : Tita ko magtanim nyan hehehe hindi talaga ako 🙂,” ani Brenda.

Para din sa komedyante hindi din niya inakala na magkakaroon siya ng sariling maisan, lalo pa’t noo nga ay nagtitinda lang siya ng mais. Proud din niyang inamin na ang mga tanim na mais sa maisan niyang ito ay hindi siya ang nagtanim kundi ang kanyang tiyahin.

Si Brenda Mage ay isang aktor at komedyante sa Pilipinas. Siya ay mas kilala sa tunay na buhay bilang si Bryan Roy Tagarao, 33-taong gulang at mula sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental. Maliban sa pagiging isang aktor at komedyante, ngayon ay isa na ring vlogger si Brenda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *