Bea Alonzo at Dominic Roque, Ipinasilip ang Kanilang Nakakakilig na Valentines Day Camping Car sa Napakagandang Lugar ng Tanay, Rizal

Sa magkasintahan isa sa nagpapatibay ng relasyon ay ang pagkakaroon ng oras at panahon sa isa’t isa, gaano man kayo kaabala pareho sa kanya-kanyang trabaho o gawain na inyong ginagawa.

Tunay na mahalaga ang oras sa relasyon ng magkasintahan, kaya naman ang isa sa mga hinahangaan nating celebrity couple sa mundo ng showbiz na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, ay talagang naglalaan ng oras para sa isa’t isa kahit gaano pa sila ka-busy para mas lalong tumibay at lumalim pa ang kanilang pagmamahalan.

Kahit gaano pa nga kaabala sina Bea at Dominic sa kanilang trabaho sa mundo ng showbiz, ay hindi nila kinakaligtaan na magkaroon ng oras sa kanilang relasyon, lalo na sa mga espesyal na okasyon. Halimbawa na lamang nito ay ang naging napaka-sweet na date nilang magkasintahan noong Valentines Day, na kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Kung ang ibang magkasintahan ay naging abala sa tipikal na date noong Valentines day, ang celebrity couple naman na si Bea at Dominic ay isang adventurous date ang ginawa, kung saan ito ay ang kanilang nakakakilig na Valentines Day camping car sa isang lugar sa Tanay, Rizal na may napakagandang tanawin.

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ng award-winning actress sa kanyang YouTube channel ay makikita ang naging camping car date nila ng nobyo niyang si Dominic noong Valentines day. Masisilayan sa unang bahagi ng video ang naging paghahanda ng magkasintahan sa pagprepara ng lahat ng kanilang kakailanganin para sa kanilang camping car date.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Pagdating naman sa mismong lugarsa Tanay, Rizal kung saan magka-camping car date ay magkasintahan ay agad na mapapansin ang napakagandang tanawin ng lugar, kung saan tila sila’y nasa isang tuktok ng bundok, dahil sa mga magagandang tanawin na masisilayan mula sa kinatatayuan nila.

Kaagad namang sinimulan ng magkasintahang Bea at Dominic ang pag set-up ng kanilang tent sa lugar, at matapos nito ay nagluto na sila ng kanilang makakain, tulad na lamang ng pag-ihaw ng aktres ng mga ulam na dala nila.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Pagkatapos kumain, ay ipinasilip naman ng aktres ang pag-aayos niya ng hihigaan nilang magkasintahan na isang tent na nakapatong lang sa mismong sasakyan nila.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ipinakita din ni Bea ang shower area na ayon sa kanya ay mismong si Dominic ang nag set-up para maging kumportable sila sa paliligo.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Halos kumpleto naman talaga ang dala ng magkasintahan sa kanilang car camping date na ito, dahil ipinakita din ng aktor ang dala nilang mini ref kung saan naman nakalagay ang kanilang mga inumin.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa buong araw at gabi na magkasama ang magkasintahan sa car camping date nilang ito, ay kitang-kita naman talaga ang ka-sweetan nilang dalawa. Makikita din ang naging masaya at sweet moments nila. Samantala, sa huling bahagi naman ng video ay mapapanood ang naging pagliligpit na ng magkasintahan ng mmga gamit nila kinaumagahan bilang pagprepara na nila pag-uwi.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ibinahagi naman ng aktres na noong una ay hindi niya hilig ang mag-camping, ngunit ngayon na na-experience niya na ito, ay tunay namang na-enjoy niya, lalo na’t ang kanyang mahal ang kasama niya.

Our Valentine's Day Car Camping Date in Tanay, Rizal | Bea Alonzo