40-Taong Gulang na Ginang, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Naipundar na Modernong 2-Storey House, Katas ng kanyang Pagiging Isang Online Seller

Sabi nga nila lahat ng ating pagsisikap ay may kapalit na magandang bunga, at marami na rin naman talaga ang nagpatunay nito,. Halimbawa na lamang nito ay ang isang Ginang, na naging masikap na online seller, at kalaunan, sa kanyang pagtitiyaga at kasipagan ay nabigyan niya ng katuparan ang pangarap niyang magkaroon ng sariling tahanan.

Sa Home Buddies, isa sa mga sinusubayabayan ng marami sa atin na community page sa Facebook, ay ibinahagi ng Ginang na si Kha Del Rosario, ang kanyang naipundar na tahanan, kung saan ito’y isang two storey home na maganda at modernong disenyo.

” My simple Home “
Finally! After 40 yrs of my existence may sarili na akong bahay…
Sharing my lovely home. Thankyou, Lord!
#ProudToBeOnlineSeller
#APECHOMES”

Ipinagmamalaki din niyang ibinahagi na ang tahanan niyang ito ay naipundar niya dahil sa kanyang pagiging isang online seller, at ito ay katas nga pagtitiyaga niyang magtinda ng kung ano-anong produkto sa online.

Makikita naman sa mga larawan na ipinost niya sa Home Buddies ang hitsura ng napakagandang tahanan na kanyang naipundar. Masisilayan na ito ay dalawang palapag at modern ang disenyo na napipintahan ng kulay puting pinta namay accent naman na black at wood.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Pagpasok ng pinaka-gate ng tahanan niyang ito, ay agad na bubungad ang isang maliit na espasyon bago ang mismong main door, kung saan sa espasyong ito ay maaring maglagay ng bisikleta o kahit isang motrsiklo, ngunit makikita sa bahaging ito ng kanyang tahanan ang mga alaga niyang aso na nakakulong sa stainless dog cage.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Mapapansin naman na ang main door ng tahanan niyang ito ay kahoy, ngunit mayroon ding itong screen door. Pagpasok sa mismong main door, ay bubungad ang tamang laki na living area at ang pinaka agaw-pansin dito ay ang wall nito na may kakaibang disenyo na kahoy. Makikita din dito ang isang fabric gray l-shape sofa, na bumagay naman talaga sa floor tiles nito na marble white.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Ang dining area naman ay tanaw agad sa may living area. Bago naman makarating sa kitchen area, ay pumapagitan sa dining at kitchen ang isang mini bar counter. Mapapansin naman sa kitchen area ang tema nitong white gray, dahil sa ang kulay ng modular cabinet nito white, samantala ang tiles naman sa pinaka-lababo at lutuan ay nakukulayan ng gray. Mapapansin din ang kakaibang disenyo ng ilaw sa may mini bar.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Kapansin-pansin naman sa comfort room ang pagkakaroon din nito ng temang gray, black at white. Mayroon din itong modernong disenyo, at nakapagitan ang isang glass door, sa toilet area at shower area.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Patungo naman sa ikalawang palapag ng kanyang tahanan ay ang hagdanan na nasa may gilid ng living area, kung saan habang papaakyat din dito ay makikita ang kanilang altar kung saan naka-display ang mga santo.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Pagdating sa ikalawang palapag ay makikita ang master bedroom at ang isa pang silid, at ang mga ito ay parehong may temang white, gray at wood.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Hindi naman nawala sa tahanan niyang ito ang kanyang mini-office, kung saan makikita ang ilan sa mga stocks ng produkto na ibinebenta niya online at ilan sa mga kagamitan na ginagamita niya sa kanyang pag-o-online selling.

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Kha DelRosario | Facebook Group Home Buddies

Tunay namang maipagmamalaki niya ang tahanan niyang ito, lalo pa’t ito ay katas ng kanyang pagsisikap at pagtitiyaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *