“Yung Sana ko Noon, Naging sa Wakas na Ngayon”, Tunghayan ang Kwento ng Homeowner na Ito na Nakapagpatayo ng Kaniyang Sariling Tahanan Katas ng Kanyang Pagsusumikap

Kahanga-hanga at talagang mapagkukunan ng inspirasyon ang mga tahanan ngayon. Karamihan sa mga ito ay mayroong kakaibang disenyo na maaaring makapagbigay ng ideya sa iba. Ang ibang tahanan naman gaya na lamang ng ibinahagi ng netizen na ito ay mayroong nakakaantig na kwento.

Talagang maganda ang resulta ng konstruksyon ng bahay ng netizen na si Mitchie Diaz ngunit bukod dito ay walang duda na nakaka-inspire din ang kwento niya at ng kaniyang asawa bago pa man nila nakamit ang inaasam na bahay. Ayon sa Facebook post ni Mitchie, proud na proud siya sa kanilang dalawa ng kaniyang asawa dahil kinaya nila ang lahat ng pagsubok upang magawa lamang ang kanilang dream house.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Hindi rin nila alintana kung gaano man kalaki o kaliit at kung gaano rin kaganda ang bahay na ito dahil para sa kanilang pamilya ay perpekto na ito. Masaya rin sila ngayon dahil mayroon na silang matatawag na kanilang sariling tahanan. Dahil dito, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga taong tumulong upang maisakatuparan ang pangarap na ito. Higit sa lahat, lubos din ang kanilang pasasalamat sa Diyos dahil sa nabuong dream house na ito.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Mayroong dalawang palapag ang bahay na ito. Punong-puno naman ng puting kulay ang buong bahay na nakapagbibigay ng malinis at eleganteng itsura. Mapapansin din na malaki ang espasyo na inilaan para sa living room ng bahay.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Bagamat makikita na wala pa itong gaanong furnitures, mayroon naman itong built-in shelves at cabinets kung saan maaaring maglagay ng telebisyon o iba pang entertainment appliances ang pamilya. Ang mga palamuti naman at memorabilia ay maaaring mailagay sa mga shelves dito.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Ipinasilip din ni Mitchie ang ilan sa mga kwarto na mayroong puting kulay at wood-themed na flooring. Upang mapanatili naman ang pagiging elegante ng buong bahay ay naglagay din sila rito ng chandelier na mayroong gold accents at kakaibang disenyo.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Makikita naman kung gaano kalaki ang pinagbago ng kusina at comfort room ng bahay. Kung noon ay mapapansin na maliit lamang ang espasyo nito, ngayon ay mistulang sapat na ang lawak ng dalawang silid.

Ang kusina ay mayroong malapad na counter space. Marami din itong mga kabinet kung saan mailalagay ng pamilya ang kanilang mga supplies at kitchen equipments.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Ang comfort room naman ngayon ay mayroong magkahiwalay na espasyo para sa toilet at shower area.

Photo credits: Mitchie Diaz | Facebook

Bukod sa sukat ng mga ito ay mapapansin din na ang dalawang silid na ito ay mayroong puting tema at kulay gold na ilaw na talagang bagay na bagay hindi lamang para sa lugar na ito kundi pati na rin sa kabuuang tema ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *