Tignan ang Simple Ngunit Napaka-Cute na Tahanan na Ito na Mayroong Kaaya-ayang Disenyo na Aabot sa Php1M ang Nagastos sa Pagpapatayo

Hindi mahalaga na malaki o magarbo ang isang tahanan, dahil kahit na simple at maliit ba tahanan ay maari pa rin maging kaaya-ayang tingnan, lalo na kung sa loob nito ay mayroong mga cute at charming design. Halimbawa na lamang nito ay ang tahanan na ating ibibida ngayon, na sa kabila ng hindi nito kalakihan, ito naman ay mayroong napaka-cute na disenyo na tunay na kaaya-aya sa mata.

Makikita na ang tahanan na ito ay tunay na napakagandang pagmasdan lalo na at mayroon itong balkonahe sa harap at sa gilid ay ang extension na siyang nagsilbing garahe. Mapapansin din ang magandang courtyard decked na mayroong disenyo na bricks.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Ang tahanan na ito ay tampok din ang mga pangunahing parte ng isang tahanan, tulad ng magandang living area, maliit ngunit maayos na kusina, at kaaya-aya na silid-tulugan. Isa pa sa talagang nagpaganda sa tahanan na ito ay ang exterior walls nito na napipintahan ng kulay na berde na talaga namang magandang pagmasdan.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Isa pa sa tunay na nakakabilib sa tahanang ito ay ang napakaganda nitong interiors, kung saan ang kabuuan nito ay napipintahan ng kulay puti na siyang nagbigay dito ng sopistikadang dating lalo na ng ito’y nilagyan na ng mga dekorasyon.

Sa living area ng tahanan na ito ay mayroong makikitang kulay abo na sofa set, at ang kaaya-aya pa dito ay ang curtain – free window na ang kulay ay pinareho sa main door. Nagbigay buhay din sa tahanan na ito ang mga ilaw at eclectic décor.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Pagdating naman sa kitchen area, ay agad na mapapansin an open-shelf cabinet na naririto, kung saan dito naka-display ang iba’t ibang mga kagamitang pangkusina, katulad na lamang ng mga magagarang kaserola, kawali at iba pang mga pantry items.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Ang isa pa sa talagang mapapansin sa kitchen area ay ang l-shaped counters, at ang skirt-style cover na nasa ilalim ng sink na siyang nagtatakip sa mga cabinet doors.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Hindi rin naman magpapahuli ang bedroom area ng tahanan na ito, dahil kahit na maliit ang silid-tulugan, ay tunay na nakaka-relaks naman ang vibe nito dahil sa kaaya-ayang dekorasyon na masisilayan dito. Ang maganda din sa silid na ito ay ang pinta ng wall, na pink at gray.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Mapapansin din ang mga cute wall frame na siyang naging dekorasyon sa isang bahagi ng wall, para magkaroon ito ng buhay.

Napakaganda, linis at moderno din ng comfort room ng tahanan na ito lalo na at agaw-pansin ang disenyo ng tiles na nasa gitnang dingding nito.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Page

Para naman sa mga nagnanais na magakroon ng ganitong tahanan, ayon sa ulat, ang t aahanang ito ay halos nasa Php1-milyon din ang halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *