Silipin ang Resort Farm na ito na Pag Mamay-ari ng sikat na Journalist na si Susan Enriquez na Siguradong Magbibigay ng Simpleng Buhay na Pakiramdam sakanyang mga Bisita

Parami nang parami na nga sa mga sikat na personalidad gaya na lamang ng mga artista at journalist ang nagkakaroon ng hilig sa mga farm sa probinsya. Ang ilan pa nga sa kanila ay talagang nag-iinvest ng malaking halaga upang makabili ng isang malawak na lupain kung saan sila makakapag-alaga ng mga hayop at makakapagtanim ng iba’t ibang puno, gulay, at prutas. Ginagamit din nila ang mga farm na ito bilang pribadong lugar kung saan sila maaaring makapagpahinga ngunit ang iba naman ay binubuksan din ito sa publiko gaya na lamang ni Susan Enriquez.

Makikita nga ang Balustre Cerca sa Indang, Cavite. Taong 2017 nang bilhin ni Susan kasama ang kaniyang mga katrabaho na sina Mark Salazar, Atom Araullo, Branden Milla, at Alex Baltazar ang isang 5,000 sqm. na lupa. Noong panahon naman ng pandemya ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagtanim dito ng iba’t ibang punong kahoy. Kalaunan naman ay nakapagpatayo na rin sila ng ilang bahay kubo at treehouse.

Photo credits: philstarlife.com

Bagamat talagang napaganda nila nang husto ang property na ito ay minabuti ni Susan na ayusin ang kaniyang parte ng property upang maging isang private farm. Talagang ito ang unang plano ni Susan para sa property na ito dahil naaayon ito sa kaniyang hilig. Ayon sa kaniya, lumaki siya na laging mayroong bagong pitas na mga gulay at prutas. Dagdag pa rito, mapayapa ang kaniyang pakiramdam sa tuwing malapit siya sa farm na ito.

Photo credits: philstarlife.com

Bagamat maganda ang planong ito ni Susan, sa kasamaang palad ay mayroong adobeng lupa ang ilang parte ng property na hindi angkop sa pagtatanim ng mga halaman at gulay. Dahil dito, minabuti niya na gamitin sa farm ang parte ng lupain na mayroong magandang lupa samantalang ang iba’t ibang istruktura naman ay itinayo niya sa bahagi na mayroong adobe.

Photo credits: philstarlife.com

Sa ngayon ay mayroon na nga itong iba’t ibang pananim gaya na lamang ng mga prutas at gulay.

Photo credits: philstarlife.com

Dagdag pa rito, hindi rin naman makukumpleto ang resort farm na ito kung wala ang iba’t ibang amenities kaya naman nagtayo na rin dito si Susan ng ilang cabins para sa mga nais bumisita at makapagrelax sa probinsya.

Photo credits: philstarlife.com

Photo credits: philstarlife.com

Upang makumpleto naman ang kanilang resort experience ay nagpagawa rin si Susan ng isang swimming pool. Maaari din namang maging events place ang resort farm na ito ni Susan dahil sa function hall nito kung saan maaaring magdaos ng ilang selebrasyon.

Photo credits: philstarlife.com

Photo credits: philstarlife.com

Photo credits: philstarlife.com

Nakakatuwa na talagang si Susan mismo ang nagtanim sa farm na ito at nagplano ng mga proyekto upang mapaganda ito at mapakinabangan nang husto. Bukod dito, regular din na bumibisita si Susan sa farm mula Biyernes hanggang Linggo kaya naman masasabi na talagang kahanga-hangang negosyante rin si Susan dahil talagang hands-on siya sa pamamalakad ng resort na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *