Silipin ang Napakagarang Minimalist Scandinavian House na Ito na Naipundar ng Isang Netizen sa Edad Niyang 29-Taong Gulang

Sabi nga nila basta mayroong tiyaga at patuloy na nagsisikap sa buhay, lahat ng pangarap ay maarig maging posible. Patunay nito ang isang netizen na kamakailan lamang ay ibinahagi ang katas ng kanyang pagsisikap sa trabaho, at ito ay ang kanyang naipundar na sarili niyang tahanan sa edad niyang 29-taong gulang.

Ibinahagi ng netizen na si Archer Casio sa Facebook community page na Home Buddies, ang kanyang kasiyahan matapos niyang mabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap na sariling bahay.

Just wanna share the fruits of my labor after working for 7+ years in the IT industry.
At last, I finally have my very own townhouse at age 29.
Definitely worth the wait
Thank you, Home buddies for the interior design inspiration.
#TeamScandi #KahoyPuti #Scandinavian #Minimalist
Wooden furnitures by Woodworked Wonders

Saad ni Archer sa kanyang post sa Home Buddies, ang tahanan na naipundar niya ay isang townhouse na nabili niya sa edad niyang 29-taong gulang, at ito ay bunga umano ng pitong taon niyang pagtatrabago sa IT industry. alakip naman nito ay ang naging pagbabahagi niya ng larawan ng kanyang naipundar na tahanan, na ngayon ay mas gumanda at magarbo na dahil sa tema nitong minimalist at Scandinavian.

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Makikita sa ibinahaging larawan ni Archer ang napakaganda niyang tahanan mapalabas o loob man. Sa living area ng tahanan niyang ito ay agad na mapapansin ang pagiginng scandi nito, lalo na sa mga dekorasyon dito, tulad na lamang ng wall art na siyang naging palamuti sa dingding. Masisilayan din dito ang L-shape gray fabric sofa, at isang single chair, ganun din ang minimalist style nitong center table.

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Mapapansin din ang simpleng TV rack sa living area, ngunit ito’y bumagay sat ema ng tahanan dahil sa kulay nitong puti. Makikita naman ang hagdanan na patungo sa ikalawang palapag sa may gilid na bahagi.

Halos katabi lang naman ng living area ang dining, kung saan naman makikita 6-seater dining table na ang mga upuan ay upholstered naman ng kulay gray fabric. Agaw-pansin naman sa dining area ang oval mirror na nasa wall nito, ganun din ang native lamp na nagbibigay liwanag sa bahaging ito.

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Tunay na kahanga-hanga din ang bedroom area ng tahanang ito ni Archer, dahil sa pagiging minimalist nito at sa tema nitong Scandinavian. Nagpaganda din sa silid na ito, ang painting na nakasabit sa dingding na nasa bandang uluhan ng higaan. Ang isang silid naman ay maliit lang ngunit ito ay may maayos na higaan.

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Ang kabuuan ng tahanan na ito ni Archer, ay tunay namang napaka-relaxing at napakaganda, dahil sa kabila ng hindi ito kalakihan o kalaparan, ay maayos namang nai-organize ang mga kagamitan at talagang napaka-ganda sa mata ng tema ng tahanan niyang ito.

Photo credits: Archer Casio | Facebook Group Home Buddies

Ayon naman kay Archer, naging inspirasyon niya sa pag-aayos at pagpapaganda sa tahanan niyang ito ang mga nakikita niyang nagagandahan na tahanan sa Home Buddies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *