Silipin ang Nabiling Family Rest House ni Neri Miranda sa Baguio City na Kanyang Ipinarenovate at ngayon ay may Mala First Class Hotel na Disenyo sa Loob

Maituturing nga na isang magandang katangian ng isang matalinong negosyante ang patuloy na pag-iinvest sa iba’t ibang negosyo upang mapalago pa ang kaniyang kita. Isang halimbawa nga rito ang mompreneur na si Neri Miranda at ang isa sa kaniyang bagong negosyo ay ang kanilang pinapaupahang rest house sa isang tourist spot at vacation destination. Ibinahagi nga ng negosyante ang pinakabagong paupahan ng kanilang pamilya sa Baguio City na Baguio Hillside House.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Photo credits: Neri Miranda | IG

Photo credits: Neri Miranda | IG

Kung titingnan mula sa labas ay masasabing mukhang maliit lamang ang bahay ngunit ayon sa Instagram post ni Neri, maaaring bumisita rito ang 11 o higit pang tao. Kaiba pa rito, mayroon ding staff house kung saan maaaring makapagpahinga ang ilang kasambahay o driver ng pamilyang bibisita rito.

Staff House

Photo credits: Neri Miranda | IG

Photo credits: Neri Miranda | IG

Photo credits: Neri Miranda | IG

Elevated ang bahay na ito at gawa sa konkretong materyales ang karamihang bahagi ng bahay. Pagdating naman sa loob ng bahay, mayroong kombinasyon ng kahoy at konkretong materyales ang iba’t ibang parte nito. Sa isang bahagi ay makikita ang living room na mayroong kakaibang couch. Nagsisilbi namang disenyo ang wooden panels sa likurang bahagi ng telebisyon. Sa kabilang banda naman ng bahay ay ang dining area at kusina.

Dining and Kitchen Area

Outdoor Kitchen

Living Room

Photo credits: Neri Miranda | IG

Photo credits: Neri Miranda | IG

Mayroon ding dalawang hagdan na magdadala sa mga bisita sa iba’t ibang kwarto ng rest house. Ang isang kwarto ay mayroong neutral colors at sapat na espasyo para sa dalawa hanggang tatlong tao. Mayroon din itong sariling comfort room at vanity area.

Bedroom 1

Photo credits: Neri Miranda | IG

Comfort Room / Vanity Area

Photo credits: Neri Miranda | IG

Ipinasilip din ni Neri ang isa pang kwarto na mayroong mas simpleng disenyo at komportableng bay window kung saan maaaring makapagpahinga ang mga bisita matapos ang buong araw na pamamasyal sa Baguio City.

Bedroom 2

Photo credits: Neri Miranda | IG

Ang mezzanine naman ay mayroon ding isang kama para sa dalawang tao ngunit maaari ding mamalagi rito ang ibang bisita dahil sa dami ng mga sofa na maaaring maging tambayan.

Bukod sa napakagandang interior design ng rest house ay ipinagmamalaki rin ni Neri ang outdoor space nito. Ayon sa kaniya, mayroong malawak na garden ang property kung saan maaaring makapaglaro ang mga bata.

Outdoor Area

Mayroon ding grilling station dito kung saan maaaring makapagluto ang mga guests. Talagang ma-eenjoy din ng kanilang mga guests ang lamig ng Baguio City dahil sa bonfire area dito. Bagamat talagang napakaganda ng mga outdoor spaces na ito, paborito pa rin ni Neri at ng kaniyang buong pamilya ang pergola kung saan nila nakikita ang napakagandang sunset ng lugar.

Walang duda na nakakabilib nga ang property na ito kaya naman siguradong marami ang agad na bibisita rito. Marami din ang pumuri sa mompreneur dahil sa ganda ng kanilang property gayundin sa bagong negosyo na pinasok nito.

Miranda Family's Baguio Hillside House | Chito Miranda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *