Silipin ang Ipinatayong Retirement Home ng Mag-asawang ito sa Alfonso Cavite na may Mala-Events Place na Private Garden

Isa sa mga pinaka-importanteng elemento ng isang magandang retirement home ay ang nakaka-relax na environment nito. Dahil dito, ang ilan sa mga retirement home gaya na lamang ng One Mango Tree ay mayroong magandang garden kung saan sila makakapagpahinga at makakapagrelax.

Pagmamay-ari ng mag-asawang sina Grace at Rex Mangubat ang retirement home na ito sa Silang, Cavite. Ayon sa mag-asawa, noon pa man ay pangarap na nilang magkaroon ng isang malawak na open space hindi lamang para sa kanilang dalawa, kundi para na rin sa kanilang mga anak at apo.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Dahil sa ganda at lawak ng garden na ito ay talagang perpekto ito para sa iba’t ibang selebrasyon ng kanilang pamilya. Maaari din namang buksan sa publiko ang private garden na ito upang maging isang events place. Bukod nga sa open space na ito ay mayroon ding garden na ipinangalan ng mag-asawa sa nanay ni Rex.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Ang one-storey house naman dito ay mayroong sukat na 150 sqm. at idinesenyo at ipinagawa ayon sa kagustuhan ng mag-asawa. Ipinasadya rin nila ang glass doors ng bahay dahil nais nilang makita ang kagandahan ng kanilang lugar mula sa loob.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Simple naman ang disenyo ng loob ng bahay. Pagpasok pa lamang ay sasalubong ang dining area nito. Makikita rin ang iba’t ibang Filipino-themed na paintings at palamuti gayundin ang antique pieces na dating kagamitan ni Rex.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Sa kwarto naman ng mag-asawa ay makikita ang iba’t ibang mwebles na gawa sa kahoy.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Hiwalay naman sa bahay na ito ang guest houses. Kumpara sa bahay ng mag-asawa, mapapansin na mayroon itong mas modernong disenyo ngunit makikita pa rin ang ilang wood accents dito. Kwento ni Rex, mula ang mga ito sa mga natumbang puno ng mahogany noong nagkaroon ng bagyo. Nais nilang magkaroon ng magandang gamit ang mga ito kaya naman minabuti nilang gamitin ito sa mga guest houses.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Ang bawat guest room naman ay mayroong dalawang single beds at isang bathroom na kumpleto sa mga kagamitan at mayroong sapat na espasyo.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Bukod sa espasyo na inilaan ng mag-asawa para sa kanilang dalawa at para sa kanilang mga kapamilya at bisita ay siniguro din nila na mayroong espasyo sa property na ito ang kanilang pinakamamahal na mga alagang aso at kalapati.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Isa rin sa pinaka-importanteng lugar sa garden ng mag-asawa ay ang ang espasyo para sa imahen ng Virgin Mary.

Photo credits: Only Good Content | Youtube

Talagang napakaganda at mistulang mapayapa sa retirement home na ito. Kanais-nais din na bukas ito hindi lamang para sa mag-asawa kundi para na rin sa kanilang mga kapamilya at kaibigan na nais din na pansamantalang magpahinga sa isang malinis at tahimik na lugar na malayo sa ingay ng syudad.

Step Inside This Idyllic Retirement Home with Private Garden Perfect for Special Events | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *