Silipin ang Half Concrete, Half Amakan Tiny House na ito na may Tambayan sa Ikalawang Palapag, Naipatayo sa Higit Kumulang Php100k

Sa panahon ngayon, importante hindi lamang ang pagiging malikhain kundi pati na rin ang pagiging masinop at madiskarte sa paggawa ng iba’t ibang proyekto at lalong-lalo na sa pagpapatayo ng bahay na kadalasan ay nangangailangan ng malaking halaga.

Isang halimbawa nga rito ang homeowners na ito na nakapagpatayo ng magandang tiny house gamit ang mga simpleng konkretong materyales at amakan.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Isa nga sa kahanga-hangang feature ng bahay na ito ay ang half-concrete, half-amakan na mga materyales na ginamit upang maitayo ito. Perpekto rin naman ang mga materyales na ito upang maging matibay ang tiny house.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Pagdating naman sa loob ng bahay ay masasabi na talagang hindi ito isang ordinaryong bahay kubo lamang.

Sliding glass windows ang bintana ng bahay na talaga namang moderno. Sa halip naman na simpleng konkretong flooring lamang ang ginamit para sa bahay ay gumamit din ng tiles ang mga homeowners kaya naman bagamat simple lamang ang bahay na ito ay mukha pa ring elegante ang itsura nito. Isa rin sa nakakabilib na feature ng bahay ay ang double walls nito.

Makikita nga sa labas ang konkreto at amakan na materyales ng mga dingding ngunit sa loob ay mayroong karagdagang proteksyon ang pamilya dahil sa plywood na kanilang inilagay.

Tamang-tama nga ito sa tuwing panahon ng tag-ulan. Nakatutulong din ito upang mas maging pribado ang bahay.

Sa living room ng bahay ay makikita ang ilang entertainment appliances gayundin ang isang simpleng sala set at carpet kaya naman masasabi na nais rin ng mga homeowners na maging elegante ang bahay na ito sa kabila ng simpleng mga materyales at limitadong sukat ng bahay.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Mapapansin din na mayroong open layout ang bahay kaya naman mula sa living room ay makikita agad ang kusina ng tiny house.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Mayroon itong simpleng L-shaped counter at mga kabinet na mistulang gawa sa marmol. Dahil nga sa limitadong espasyo ay tanging mga importanteng kagamitan at appliances lamang ang narito.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Sa kabilang gawi naman ng bahay ay ang dining area. Bukod sa mga silid na ito ay makikita rin ang comfort room sa palapag na ito.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Gaya ng ibang silid sa bahay ay mayroon din itong simple ngunit modernong disenyo.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Mapupuntahan naman ang ikalawang palapag ng bahay sa tulong ng isang hagdan na makikita sa labas. Sa palapag nga na ito ay makikita ang isang balcony na perpekto bilang pahingahan ng buong pamilya o ng kanilang mga bisita.

Photo credits: Awesome Philippines Houses

Makikita rin na nakapaglagay sila rito ng dalawang Cleopatra benches, isang mesa, at ilang upuan.

Dahil dito, perpekto rin ang lugar na ito kung saan maaaring magsalo-salo ang mag-anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *