Silipin ang Elevated Native House na ito na May Nakakarelaks na View sa kanyang Balkonahe, Naipatayo ng Isang Pamilya sa Halagang Php25k

Pangarap mo ba ang magkaroon ng simpleng tahanan? Kaso kulang ka sa budget para ito ay mabigyan ng katuparan? Kung gano’n magiging isang magandang ideya para sayo ang tahanan na ating ibibida ngayon, kung saan isa itong elevated native home na nabuo at naitayo sa halaga lamang na Php 25,000.

Maliit na tahanan lamang ang elevated native home na ito, ngunit dahil sa elevated ito sa lupa, ay naging mataas ito at nagmistulang malawak, na talaga namang isa sa mga magandang ideya na ginawa ng homeowner nito.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Makikita na ang elevated native home na ito ay gawa sa kawayan ang pinaka-frame, samantala metal furring naman ang ginamit para suportahan ang mga light wall nito. Ang pagamit ng metal furring ay tunay namang mahalaga sa ganitong uri ng tahanan, dahil sa ito ang maaring magpatibay, lalo na’t batid natin na walang anumang kongkreto o metal base ang tahanang ito.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Pagdating naman sa dingding ng elevated native home na ito ay mapapansin na ang mga ito ay light cement board, ngunit mainam din na maging dingding ang mga marine plywood.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Mahalaga din na kapag light materials ang dingding tulad ng plywood, ay dapat na ito’y naka-varnished o di kaya namay ang nakapintura at mayroong coats ng waterproofing paint.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Tunay naman na ang elevated native home na ito, ay hindi kinakailangan ng mga mamahaling kagamitan, dahil sa pagiging simple ng kubo na ito, ay mas mainam na mga native at simpleng kagamitan din ang nasa loob nito.

Isa naman sa nagpaganda sa kubo na ito ay ang balkonahe nito, na talaga namang nakakarelaks dahil sa matatanaw mula rito ang magandang tanawin. Perpekto din na maging hang-outs o dining spots ang balkonahe, dahil sa inilagay na lamesa at upuan sa bahaging ito.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Kahit naman halos gawa sa kahoy at kawayan ang elevated native home na ito, ay mayroon naman itong modern features, at ito ay ang moderno nitong mga bintana, dahil sa ito ay naka sliding glass window na may black frame.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Pagpasok din sa loob nito ay masisilayan ang flat screen tv na naka-mounted sa dingding, ganun din ang higaang kutson na nasa sahig nakalatag.

Photo credits: Awesome Philippines | Fb Page

Naging mas maaliwalas naman pagmasdan ang elevated native home na ito dahil sa pinta nitong kulay violet ang mga dingding, samantala, ang sa balkonahe naman na mga kawayan ay napipintahan ng puti.

Sa kabila naman ng pagiging maliit at simple ng elevated native home na ito, ay masasabi naman na ito ay isa ng magandang ideya na maging tahanan, lalo na mga nais na magkaroon ng sariling masisilungan na abot kaya lamang ng budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *