Silipin ang 3-Storey Modern Asian Style House ni Benjie Paras at ng Kanyang Pamilya

Ang maging anak ng mga kilalang personalidad sa showbiz ay tunay na hindi madali, dahil mula sa pagiging isang sanggol hanggang sa paglaki, ay talaga naming marami na ang nakasubaybay sa iyong buhay, tulad na lamang ng magkapatid na Andre at Kobe Paras.

Sina Andre at Kobe Paras ay anak nina Benjie Paras, kilalang komedyante’t basketball player, at Jackie Foster na isang aktres sa showbiz. Kahit naman mga anak ng personalidad sa showbiz, ay lumaking malayo sa showbiz ang magkapatid, sa kabila nito, ay talaga nasa dugo na nila ang mapabilang sa industriya kung saan nakilala ang kanilang mga magulang.

Sa kasalukuyan kasi ay isa na ring actor si Andre Paras, samantala ang kapatid naman niyang si Kobe ay patuloy na namamayagpag ang karera sa pagiging isang basketball player.

Samantala,matatandaan na noong buwan ng Setyembre taong 2017 ng buksan ng Paras ang kanilang Family home sa YES magazine. Na-feature sa YES magazine ang three-storey house ng Paras na may sukat na 400sqm at disenyo na modern Asian.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Ayon sa naging pahayag noon ni Benjie Paras, siya at ang misis niyang si Lyxen ang nagtulungan para mapaganda at maging maayos ang interior ng tahanan nilang ito.
Halina’t silipin natin ang napakagandang three storey modern asian home ng pamilya nina Andre at Kobe Paras.

Living Area

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Isa ito sa mga paborito ni Benjie sa kanilang tahanan, dahil sa pagiging maaliwalas nito kaya naman dito din sila madalas na mamalagi ng kanyang pamilya. Makikita din sa bahaging ito ng tahanan ang napakalakinh telebisyon, open shelves na may mga nakadisplay na accesories at dalawang swivel coffee table na may secret storage compartment.
Mapapansin din sa living area na ang ilan sa mga kagamitan dito ay gawang kahoy.

White Room

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Matatagpuan ito ipang hakbang lamang mula sa living area at tinawag itong White Room dahil sa pagka crisp color scheme nito. Talaga namang kaaya-aya ang silid na ito lalo na sa mga makikita ditong non-color kinds of stuff. Ang bahaging ito ng tahanan nila Benie ay perpekto din sa pag-entertain ng mga bisita.

Den

Photo credits: realliving.com.ph

Ito ang bahagi ng tahanan na nais gawin ni Benjie na kanyang man’s cave. Mapapansin naman dito ang malaking shelve kung saan naka-display ang mga awards ni Benjie sa kanyang pagiging isang mahusay na basketbolista.

Dining Area

Photo credits: realliving.com.ph

Mapapansin sa dining area ang malalaking bintana at mataas na ceiling. Ayon kay Benjie ang misis niya ang talagang may nais na mataas ang ceiling para mas maging maliwanag at maaliwalas ito.

Makikita din sa bahaging ito ang 10-seater dining table na gawa sa kahoy ng ipil, samantala upholstered naman ang sampung upuan na nakapaligid dito.

Kitchen

Photo credits: realliving.com.ph

Ang kitchen area ay magpaka-modern, masculine at industrial ang disenyo at istilo. Ang counter-tops nito ay nakukulayan ng off-white samantala white subway tiles naman ang backplash. Kulay black naman ang cabinet kung saan nakatago ang mga kagamitang pang kusina.

Photo credits: realliving.com.ph

Maliban pa sa mga ito ay ipinasilip din ni Benjie ang kwarto ng kanyang mga anak, na talaga namang naayon sa personalidad ng mga ito ang pagkaka-ayos at disenyo.
Tunay namang napakaganda ng tahanan na ito ng mga Paras, at marahil marami na naman sa atin ang nakapulot ng ideya na maari nating magawa sa loob ng ating sariling tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *