Plano lang na Gawing Bodega Noon ng Isang Pamilya, Ngayon ay Isa ng Modernong Two-storey Tiny House na may Minimalist na Tema

Nauuso ngayon ang mga tiny houses, at sa Facebook community page na Home Buddies, ay marami na tayong nasilayan na mga nagagandahang tiny houses.

Samantala, isa naman sa ating mga virtual kapitbahay ay nakiuso sa pagkakaroon ng tiny house. Ibinahagi ng netizen na si En Bee Jee Jay, base sa kanyang profile name, ang larawan nng kanilang napakagandang two-storey tiny house na ayon sa kanya ang bahaging ito ng kanilang tahanan ay plano lamang gawing bodega noon ng kanyang mga magulang, ngunit imbis na maging bodega ay naging isa itong maliit na tahanan na may minimalist na tema.

Sa mga larawan naman na kanyang ibinahagi ay makikita ang hitsura na ngayon na plano nila noon na maging bodega na ngayon ay kanila ng napakaganda at minimalist na two storey tiny house.

Makikita sa unang larawan ang mini living area, na mayroong saktong lamang sa laki na L-shaped sofa na nakukulayan ng cream ang cover. Isa din sa mapapansin na nagbigay ng buhay sa bahaging ito ay ang mga throw pillow na may kaaya-ayang kulay na cover, at ang mga hanging plants na nakadisplay sa hanging shelves. Nagpaganda rin sa mini living area na ito ang native round carpet.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Mapapansin naman na ang kabuuan ng tiny house na ito ay nakukulayan ng puti ang interior, mayroon din itong mini dining at kitchen area na talaga namang kaaya-aya at napakaaliwalas tingnan dahil sa pagkaminimalist nito. mapapansin din ang napakagandang wall clock na nasa kitchen area, ganun din ang kakaibang disenyo ng ilaw na nagbibigay liwanag sa may dining area.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Mas naging malawak naman tingnan ang dining area dahil sa SM b1t1 na ikinabit sa wall nito na siya naman talagang nagpalawak dito.

Kahit naman napakaliit ng tahanan na ito, ay mayroon din itong silid-tulugan na may sariling toilet/bath. Napakalinis naman ng silid-tulugan dahil sa puting tema, kung saan mula sa pillow case hanggang sa bed cover ay nakukulayan ng puti. Ang ikalawang silid din dito, ay purong puti din ang kulay, mapakama at cabinet man.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Ang two-storey tiny house din n ito ay mayroong rooftop, na ayon sa homeowner nito ay bihira nilang maakyat dahil sa sobrang taas. Makikita din ang balcony kung saan mula umano rito, ay tanaw ang kanilang old bungalow house.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Sa ilang mga larawan ay masisilayan din ang hagdanan ng tahanan na ito na patungo sa ikalawang palapag, kung saan makikita na ang railings nito ay steel na napipintahan ng gray, samantala wood naman ang kulay ng mismong staircase.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Maliban naman sa toilet/bath sa isang silid sa tahanan na ito, ay mayroon ding maliit na common comfort room sa unang palapag nito, kung saan bakas din ang pagiging minimalist at maaliwalas dahil sa puti nitong tema. Ang agaw-pansin naman sa comfort room ay ang floor tiles nito.

Photo credits: En Bee Jee Jay | Facebook Group Home Buddies

Dahil naman sa talagang naging isa ng tahanan ang dapat na bodega na ito nina En Bee Jee Jay, imbis nga na maging tambakan nila ito ng lumang gamit, ngayon ay nagsisilbi na itong tahanan nila ng kanyang mga magulang, at ang mas malaki nilang tahanan ay ginawa na umano nilang paupahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *