Mamangha sa Tiny White House na ito ng Isang Pamilya na Isang Muji-Themed Smart House na may Kombinasyon ng Modernong Teknolohiya at Nature

Marami na tayong nakikita na mga bahay na mayroong muji na tema. Bagay na bagay nga ito sa mga tiny house na gaya nito na nangangailangan ng minimalist na tema at disenyo ngunit bukod sa magandang itsura nito ay talagang nakakabilib rin ang kanilang paggamit ng teknolohiya at internet sa iba’t ibang kagamitan dito.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Gaya ng mga pangkaraniwang muji houses ay mayroong puting kulay at wood accents ang interiors ng bahay na ito. Mapapansin nga mula pa lamang sa living room ng bahay ang flooring na gawa sa kahoy.

At dahil isang tiny house lamang ang bahay na ito ay limitado lamang ang espasyo sa bawat silid. Dahil dito, kakaunti rin ang mga mwebles at dekorasyon na makikita rito. Isang halimbawa na nga rito ay ang simpleng couch na makikita sa living room. Sa kabilang bahagi ng silid na ito ay makikita ang isang divider na nagsisilbi na ring dining table.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Mayroon itong mga bar stools na tamang-tama lamang para sa mga miyembro ng pamilya gayundin ang storage spaces para sa ilang mga kagamitan. Mula naman rito ay makikita rin agad ang kusina na simple lamang at mayroong sapat na espasyo para sa working space at mga appliances.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Sa ikalawang palapag naman ng tiny house ay makikita ang mga kwarto. Gaya ng unang palapag ay mayroon din itong puting kulay at mga mwebles at iba’t ibang kagamitan na gawa sa kahoy.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Sa isang litrato ng kwarto ay makikita ang isang kama na mayroon na ring storage spaces sa ilalim na bahagi. Perpekto naman ito upang talagang makatipid sila sa espasyo. Mayroon ding maliit na coffee table na maaari ding magamit bilang study space.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Makikita naman sa isa pang litrato ng kwarto ang isang kama na mayroon ding parehong disenyo ngunit mayroong karagdagang mga kabinet at floating shelf.

Sa kabilang bahagi naman ay ang isang mahabang mesa na perpektong gamitin bilang isang mini office. Bukod sa mga silid na ito ay ibinahagi rin ng homeowner ang comfort room ng bahay na mayroon ding modernong disenyo.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Ipinasilip din ng may-ari ang kanilang comfort room na may puti at kahoy na team na talagang napakalinis tignan.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Mapapansin din na napakaganda ng pagkakadisenyo ng kanilang dirty Kitchen kung saan katabi ito ng kanilang outdoor dining area kung saan madalas nagbobonding ang kanilang pamilya. Mayroon din sila ditong Barbecue station.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Napakaganda din ng inilagay nilang wooden floors sa kanilang outdoor dining at naglagay din sila dito ng malaking payong at pinunu ng mga nagagandahang ilaw.

Photo credits: Jr DeVera Del Rosario | Home Buddies Facebook Group

Walang duda na talagang maganda ang muji-themed tiny house na ito ngunit mas nakakabilib pa rin ang pagiging smart house nito. Ayon nga sa homeowner, mayroong mga smart devices at appliances ang bahay na ito. Dagdag pa rito ay mayroon pang DIY security system ang bahay na ito na maaaring makontrol gamit ang digital voice assistants gaya ng Alexa at Siri.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *