Mamangha sa Napakagarbong Chill at Aesthetic Pool House na Naipundar ni Dimples Romana para sakanyang Pamilya

Sa mundo ng showbiz ay maituturing ang aktres na si Dimples Romana bilang isa sa mga matatagumpay at talagang namumuhay na ngayon sa buhay na pinapangarap niya para sa kanyang pamilya, ito ay dahil sa napakaraming mga achievements na kanyang nakamit.

Samantala, isa sa mga pinakabagong achievement ni Dimples, ay ang pool house na kanyang naipundar para maging haven ng kanyang pamilya, lalo na tuwing holiday, ito nga ay ang kanilang newly-built abode na tinawag niyang Fahmeely HQ.

Photo credits: Realliving.com.ph

Ayon kay Dimples, para ma-achieve niya ang pinaka nais niya sa overall design ng property niyang ito kinaialangan niyang humingi ng tulong sa eksperto, at ito ay ang interior at production design team ng Studio Mara.

“I’m super excited kasi this is one of the homes na pina-ayos ko at pina-design”, saad ng aktres.

Ibinahagi din niya din kung bakit pinili niya ang mag-invest sa ganitong property, “Ang idea talaga nito is I wanted a place where we would go Sundays, weekends, weekdays.. come together with family and friends, swim with them if they want, have the kids over, and talagang magkaron ng conversation over food. Alam nyo naman pag salu-salo, gustong-gusto natin kumain.”

Batid naman ng marami sa atin na isang family-oriented ang celebrity mom na si Dimples Romana, kung saan ito ang isa sa mga kaugalian na kanyang natutunan sa kanyang mga magulang, kaya naman hangad din niya na mapasa ang ganitong ugali sa kanyang mga anak. Ang bagong property nga nila na ito, ay isa sa mga paniguradong magiging bonding place nilang pamilya.

Nung mga bata kami, kahit limited yung resources namin, our family made sure na we have memories na kumakain nagluluto and nagbabond”, ani pa ng aktres.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Halina’t silipin natin ang napakagarbong property na ito ni Dimples, isang pool house na may napakagarang interior at exterior design.

Photo credits: Realliving.com.ph

Makikita ang napakagarang pool ng aktres, at ibinahagi niya na ang pinaka-whole idea ng turquoise-colored pool niyang ito ay nakuha niya ng minsang bumisita siya ng tahanan ng kanyang on-screen partner na si Mico Del Rosario. Saad pa niya, pinili niya ang mas lighter at mint color para mas maging minimalist ang vibe nito.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Maliban pa sa pool area, isa din sa mga magagandang spot sa property na ito ng aktres ay ang dining at lounge area, kung saan maaring magpahinga ang sinoman na bibisita o mapapasyal dito. Masisilayan sa bahaging ito ang magarang wooden dining table at lamp, na parehong mula sa Acasa Manila, samantala ang miniature fresh pine trees naman umano na nagsilbing dekorasyon dito ay mula sa Curate Mate.

Photo credits: Realliving.com.ph

Ipinasilip din ni Dimples ang kanyang kitchen area, na may pagka-rustic at industrial, ayon sa aktres pinili niya ang ganitong mga elements sa kanyang kitchen area dahil ayaw niya na maging intimidating ang dating nito sa mga bisita.

Pet peeve ko yung sobrang ganda ng gamit, parang ayaw magpaggalaw,” aniya. Dagdag pa niya, “Gusto ko kahit hindi sya ganun kamahal, di ka mai-intindimidate gamitin yun.”

Photo credits: Realliving.com.ph

Pagdating naman sa lounge area ay sinugurado naman ng aktres na ito ay mabibigyan niya ng preskong dating, matapos niyang maglagay dito ng maraming mga magagandang halaman, at white pebbles. Ayon naman sa kanya ang photographer niyang kaibigan na si Shaira Luna ang isa sa mga nag-advised sa kanya na i-embrace ang ipicture-friendly home.

Ibinida din ng aktres ang kanyang ‘duyan’ chair sa lounge area na ibinigay umano ng kanyang kaibigan na si Veto Selma. Ipinakita din niya ang shower area na may unique backdrop.

Tunay namang napakaganda ng bagong property na ito ng aktres, at marahil marami na naman sa atin ang nakakuha ng bagong ideya, na maari nating gawin sa sarili nating tahanan o property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *