Mamangha sa Napakaganda at Eleganteng Modern Tropical Family Mansion na ito na Matatagpuan sa Alabang na Mala Resort ang Disenyo

Ang moderno at tropical na tema ang isa sa mga disenyong ninanais ng mga homeowners ngayon. Isang halimbawa na nga ng magarang mansyon na mayroong modern tropical na disenyo ay ang tahanang ito.

Sa labas pa lamang ng bahay ay talagang mapapansin na ang tropical na tema ng bahay na ito dahil napalilibutan ito ng iba’t ibang mga halaman. Maging ang glass, wood, at konkretong materyales din para sa bahay ay pasok sa temang ito. Sasalubong naman ang main door sa mga homeowners na gawa rin sa kahoy.

Photo credits: Realliving.com.ph

Pagdating naman sa malawak na foyer ay mapapansin ang isang grand piano gayundin ang high ceiling ng buong bahay.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Makikita rin mula sa parteng ito ng bahay ang living room na mayroong napakagarang L-shaped sofa. Ginagamit din ang lugar na ito bilang receiving area para sa kanilang mga bisita. Kung minsan ay nagiging entertainment room din ito na talaga namang perpekto dahil sa lawak ng espasyo. Hindi rin naman maitatanggi ang kagandahan ng view na makikita mula rito kaya naman makakapag-relax din ang bawat miyembro ng pamilya.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Mula naman sa living room ay mapupuntahan ang dining area na gaya ng naunang silid ay mayroong gray na kulay ang mga mwebles dito. Mayroon din itong sliding glass doors kaya naman talagang mag-eenjoy ang pamilya sa view ng kanilang garden habang sila ay masayang nagsasalo-salo. Isa rin sa talagang eleganteng feature ng silid ay ang kakaibang chandelier.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Sa kabilang gawi naman ng dining room ay ang isang sliding door patungo sa kusina. Sa kusinang ito ay makikita ang napakahabang counter space sa isang banda samantalang ang mga storage spaces naman gayundin ang ilang kitchen appliances ay makikita sa kabilang bahagi. Sa gitna naman ng silid ay ang kitchen island na mayroon ding bar stools.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Bagamat mayroong sapat na storage space rito ay naglaan pa rin ang mga homeowners ng hiwalay na silid upang maging isang pantry. Maging ang disenyo ng silid na ito ay pasok pa rin sa tropical na tema ng bahay dahil sa wooden shelves nito at woven pantry baskets.

Photo credits: Realliving.com.ph

Talagang napakagara din ng bahay na ito dahil hindi lamang isa ngunit dalawa ang kusina rito. Ang pangalawang kusina na ito ay mayroong mas maliit na espasyo ngunit siniguro nilang maaliwalas pa rin dito.

Photo credits: Realliving.com.ph

Gaya naman ng kusina ay mayroon ding pangalawang living room na mas pribado at para lamang sa pamilya. Dahil nga dito ay mayroon itong mas maliit na sukat ngunit masasabing elegante pa rin ito.

Photo credits: Realliving.com.ph

Bukod sa mga silid na ito ay mayroon ding opisina ang bahay na mayroong mas madidilim na kulay at disenyo. Sa kabila nito ay maaliwalas pa rin ang silid lalo na at mula rito ay maaaring makapunta sa veranda.

Photo credits: Realliving.com.ph

Isang napakalawak naman na espasyo ang inilaan para sa master bedroom.

Photo credits: Realliving.com.ph

Mayroon din itong kulay gray na mga mwebles ngunit talagang kahanga-hanga sa silid na ito ang sariling master bathroom at walk-in closet.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Ang dalawang bedroom naman na ibinahagi ng mga homeowners ay mayroong magkaiba ngunit eleganteng disenyo.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Hindi lamang mga kwarto para sa mga miyembro ng pamilya ang pinaganda ng mga homeowners dahil maging ang guest bedroom ay mistulang isang hotel room din.

Photo credits: Realliving.com.ph

Hindi din mawawala sa napakagandang bahay na ito ang mga amenities na kagaya ng Gym, Pool at Garden kung saan talagang makakapag relax ng mabuti ang home owner nito dahil sa dami ng pwedeng gawin upang makapag unwind.

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Kahanga hanga din ang laundry area ng bahay na ito kung saan talagang napaka elegante at napakalinis ng pagkaka disenyo kung saan ikaw nalang talaga ang mahihiyang maglaba dito dahil sa sobrang ganda.

Photo credits: Realliving.com.ph

Talagang kahanga hanga ang bahay na ito at kahit sinong titira dito ay talagang mageenjoy at marerelax.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *