Mag-asawa, Nakapagpatayo ng Isang Building Para sa Kanilang Bahay at mga Negosyo Matapos ang Ilang Taong Palipat-lipat ng Tirahan

Karamihan sa mga homeowners ay karaniwang ginagamit ang kanilang malalawak na lupain upang makapagpatayo ng napakalaking tahanan ngunit para kay Zars Castillo at sa kaniyang asawa, mas pinili nila na magkaroon ng simpleng tahanan gamitin ang natitirang espasyo ng kanilang property para sa kanilang mga negosyo. Ayon nga sa Facebook post ni Zars, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang magpalipat-lipat ng bahay.

Kahit nga noong siya ay nag-asawa ay naranasan din nilang pansamantalang sumandal sa kanilang mga magulang.

Dahil dito, talagang nagtrabaho sila nang husto upang sa wakas ay magkaroon na rin sila ng sariling bahay ngunit dahil gusto nilang patuloy na kumita ay nagdesisyon silang bukod sa bahay ay kailangan din nilang maglaan ng espasyo para sa kanilang mga negosyo. Makikita sa labas pa lamang ang dalawang palapag ng bahay.

Mapapansin din agad ang iba’t ibang silid para sa kanilang mismong tahanan gayundin para sa kanilang mga negosyo. Bukod dito, mayroon ding simpleng espasyo sa harap ng property na maaaring magamit bilang garden at garahe.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Ang loob naman ng bahay ay makikita ang modernong tema. Mapapansin ang kombinasyon ng puti at gold na kulay gayundin ang iba’t ibang mwebles na gawa sa kahoy.

Ilang halimbawa na nga rito ay ang display shelves at bar stools na makikita sa living room gayundin ang wooden panels na nakapagbibigay ng kakaibang disenyo sa nasabing silid. Bagay na bagay rin sa wooden accents ang elliptical chandeliers na kulay gold.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Pagdating naman sa kusina, makikita pa rin ang puting tema ngunit sa halip na gold at wooden accents ay mapapansin ang mga kulay na gray at itim sa iba’t ibang bahagi nito. Masasabi rin na pinag-isipang mabuti ng mga homeowners ang layout ng kusinang ito dahil mayroon itong sapat na espasyo.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Organisado rin ang mga kitchen equipments ng pamilya at talagang maaliwalas din ang buong lugar dahil sa glass windows na inilagay sa isang bahagi ng silid. Gaya naman ng living room, mayroon ding modernong chandelier ang lugar.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Bukod sa mismong bahay ay ipinasilip din ni Zars ang kanilang mga opisina, café, at aircon showroom. Ang bawat silid ay may sapat na espasyo ngunit mayroong iba-ibang disenyo. Gaya ng living room, ang opisina ng bahay ay punong-puno ng wood panels at wood-themed na flooring.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Upang mapanatili naman ang temang ito ay pumili din ang homeowners ng kulay brown na mga mwebles. Maaliwalas naman ang café dahil sa mapupusyaw na kulay na ginamit para dito. Gumamit din sila ng kakaiba at Instagrammable na mga mesa at upuan.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Mas simple naman ang showroom ng pamilya para sa kanilang mga ibinebentang air-conditioning units.

Photo credits: Zars Castillo | Facebook

Sa isang bahagi ng kwarto ay makikita ang isang maliit na opisina at ang natitirang lugar ay para na sa kanilang mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *