Mag-asawa na 15-Taong Nangungupahan, Proud na Ipinasilip ang Magarbong Bahay na Kanilang Naipundar Dahil sa Kanilang Sipag, Tiyaga at Pagtitiwala sa Isa’t Isa

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap sa ating buhay, hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin sa ating pamilya. Ang pagkakaroon ng sariling tahanan, ang isa sa mga pangarap na hindi mawawala sa bawat isa sa atin, lalo na kung tayo ay mayroon ng sarili nating pamilya, kaya naman talagang tayo ay nagsusumikap at nagsisipag sa buhay para mabigyan ng kulay at realidad ang pangarap nating ito.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Halimbawa na lamang nito ay ang mag-asawang labing limang taong nagtiis muna na mangupahan, ngunit ngayon ay matagumpay ng nabigyan ng kulay at katuparan ang pangarap nilang tahanan, para sa kanilang mga anak,.

Sa Facebook community page na Home Buddies, ay ibinahagi ng misis na si Shynne Santos ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang tahanan. Ayon pa sa kanya, ilan sa mga magagandang set-up sa tahanan nilang ito ay nakuha niya sa pagsubaybay niya sa Home Buddies, kung saan napakaraming mga magagandang ideya ang kanyang nakita at naisagawa niya sap pag-aayos at pagpapaganda ng kanilang tahanan.

“Home Buddies, thank you for inspiring me to set up good vibes to our humble home. DREAM Do COME TRUE. Hindi mo kailangan maging mayaman para magkaroon ka ng sarili mong bahay. Ang kailangan mo, sipag, tiyaga at tiwala sa sarili at sa partner mo na maabot niyo lahat ng pangarap niyo in God’s time. Magugulat ka nalang nasa harap mo na ang pangarap mo. Sarap sa puso”, ang unag saad ni Shynne sa kanyang post.

Pagbabahagi ni Shynne, silang mag-asawa ay 15-taong nangupahan bago nila naipundar ang napakagandang tahanan nilang ito. Saad pa niya, katas ito ng kanilang sipag, tiyaga, tiwala sa isa’t isa at sa Poong Maykapal. Ibinahagi din niya na ang tahanan nilang ito, ay inilalaan nila para sa kanilang dalawang anak.

“15 years renting, but now we have our own House of Bea (HOB) hehe lahat kasi ng milestone namin may name. Salamat Lord! Sabi mo nga wait lang ako darating din yan sarap sa feeling na pinaghirapan namin ito, now ito na ‘yung result para kay Ate at Bunso. Para ito sa inyo”, saad ni Shynne.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Shynne ang napakagandang pagkakaayos ng kanilang tahanan, kung saan bago ka pa man nga makapasok dito, ay hahangaan muna ang kagandahan ng main door nito na kulay puti at may nakasabit pang wall décor.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Ang tahanan nilang ito ay mayroong dalawang palapag, dahil pagpasok sa living area nito ay agad na mapapansin ang hagdanan na may wood accent at glass ang stair railings.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Ang living area ay mapapansin ang temang dark gray, dahil sa ito ang kulay ng sofa ganun din ang window blind nito sa likod.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Masisilayan naman sa bahaging dining ang isang 4-seater rountable, na may kumbinasyong kulay na white, wood at gray. Sa may bandang gilid naman ng dining at makikita na agad ang kitchen area na may magagarang kitchen appliances, katulad ng 2-door refrigerator.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Agaw pansin din ang coffee corner, ganun din ang tama lamang sa laki na office area nila sa unang palapag ng tahanan nilang ito.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Samantala, ayon kay Shayne, hindi na niya ibinahagi pa ang silid ng kanyang mga anak, bilang privacy ng mga ito. Pagbabahagi pa niya, ilan sa mga dekorasyon at gamit niya sa kanilang tahanan ay nabili niya sa online shop na Shopee at Lazada.

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Photo credits: Shynne Santos | Facebook

Tunay ngang sa bawat pagsisikap natin, ay daan ito para sa katuparan ng mga pangarap natin sa ating buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *