Mag-Asawa, Masaya at Proud na Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na 5-Bedroom House sa Canada sa Edad na 26 Taong Gulang

Marami ang mga bagay na kailangang isaalang-alang sa pagpapatayo ng bahay kaya naman maituturing nga na isang malaking tagumpay ang pagpundar ng properties habang ang isang tao ay bata pa. Isang halimbawa na nga rito ang mag-asawang ito na nakapagpatayo ng bahay sa edad na 26 taong gulang.

Proud na proud na ibinahagi ng netizen na si Arnel Porcel Flores ang kanilang pinakabagong tahanan sa Canada. Kwento nga niya, masaya siya sa naging partnership at pagtutulungan nilang mag-asawa dahil naabot nila ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa ibang bansa habang sila ay bata pa. Kahanga-hanga rin na hindi lamang isang simpleng tahanan ang kanilang naipundar ngunit isang 5-bedroom house.

Ayon kay Arnel, talagang masasabi na “aesthetic” ang bahay na ito dahil sa minimalist nitong disenyo. Makikita nga ito sa neutral na kulay at mga mwebles na gawa sa kahoy. Kakaunti at simple ngunit maganda naman ang mga palamuti sa bawat sulok ng bahay.

Sa living room ay makikita ang isang simpleng couch na mayroong grayish-white na kulay. Bagay na bagay rito ang carpet na mayroong parehong kulay ngunit kakikitaan ng kakaibang patterns at disenyo.

Photo credits: Arnel Porcel Flores | Facebook

Sa isang bahagi naman ng couch ay makikita ang isang indoor plant na nakapagbibigay ng kakaibang kulay sa silid. Inilagay din ito ng mga may-ari sa isang vase na gawa sa rattan. Bagay din ito sa wood flooring ng bahay gayundin sa display rack na gawa sa kahoy.

Photo credits: Arnel Porcel Flores | Facebook

Sa parehong rack naman makikita ang ilang entertainment appliances gaya ng telebisyon gayundin ang ilan pang kagamitan at dekorasyon ng pamilya. Makikita rin sa parehong silid ang iba’t ibang abstract artworks na mayroong kulay na pasok sa tema ng buong bahay.

Photo credits: Arnel Porcel Flores | Facebook

Mula naman sa living room ay mapapansin ang isang bahagi ng kanilang dingding na gawa sa glass windows. Talagang matalino ang paggamit nila ng disenyong ito dahil bukod sa nakapagbibigay ito ng bago at kakaibang itsura sa buong bahay ay napapanatili rin nitong maaliwalas ang loob ng tahanan. Dahil dito, magiging mas komportable ang pamilya at maaaring makatipid din sila sa kuryente.

Photo credits: Arnel Porcel Flores | Facebook

At dahil ang buong dingding na ito ay gawa sa salamin, maging ang dining area sa kabilang silid ay mayroong maaliwalas na ambiance. Nakatutulong din dito ang mga mwebles tulad ng dining table at chairs na mayroong mapupusyaw na kulay gaya ng mga kagamitan sa living area. Bukod sa mga parteng ito ng bahay, ipinakita rin ni Arnel ang kanilang modern kitchen.

Photo credits: Arnel Porcel Flores | Facebook

Gaya ng living room at dining area ay may katamtamang sukat ang silid na ito. Gawa naman sa kahoy ang ibang parte ng kusina gaya na lamang ng kabinet dito. At gaya nga ng nabanggit ni Arnel ay mayroong limang kwarto ang bahay na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *