Kadalasan, ang pagpapatayo ng magagarbong tahanan ay nangangailangan ng maayos na pagpaplano ng ilang mga architects at engineers.
Dahil dito, sa maraming pagkakataon ay kinakailangan nilang gumamit ng iba’t ibang teknolohiya upang makapagplano ng isang maganda at perpektong tahanan para sa pamilyang maninirahan dito.
Nararapat nga itong gawin lalo na sa mga pagkakataon kung saan may kaliitan lamang ang sukat ng lupang pagtatayuan ng bahay upang masiguro na makapagpapatayo sila ng perpektong bahay na mayroong sapat na sukat at komportableng espasyo para sa bawat isa.
Maigi rin ito upang makasiguro ang mga magdidisenyo ng bahay na ang bawat espasyo rito ay talagang maayos na magagamit.
Kwento ng homeowner na si Irish Mae Tacuban Santiago, nagsimula siya at ang kaniyang asawa na magdisenyo ng kanilang dream house gamit lamang ang isang simpleng Microsoft Excel file.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Noon pa man ay silang dalawa lamang ang nagtutulungan pagdating sa mga ideya para sa iba’t ibang parte ng bahay na ito ngunit sa kabutihang palad ay nagkaroon din sila ng pagkakataon na magkaroon ng contractor na siyang tumulong sa kanila upang maisakatuparan ang kanilang pangarap na magkaroon ng bahay sa kanilang 100 sqm. na lupa.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Nang matapos nga ang dream house na ito ay talaga namang walang duda ang kagandahan at pagiging perpekto nito para sa pamilya ni Irish Mae.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Dahil dito, ibinahagi rin niya ito sa isang kilalang Facebook group na Home Buddies upang makapagbigay na rin ng inspirasyon at ideya sa ibang netizens na nagbabalak rin na magpatayo ng bahay sa kabila ng kanilang maliit na lupa.
Sa unang palapag ng bahay ay makikita ang living room na mayroong high ceiling. Isa sa talagang kapansin-pansin sa bahay na ito ay ang napiling gray na kulay ng mga homeowners para sa kanilang mga mwebles gaya na lamang ng L-shaped sofa sa living room.
Bagay na bagay rito ang kulay gray na carpet gayundin ang kulay itim na coffee table.
Kung iisipin ay maaaring magmukhang madilim ang espasyong ito dahil sa mga kulay ngunit nakapagbibigay ng liwanag ang chandelier na bagay rin sa high ceiling ng silid.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Kumpara naman sa living room na ito ay mas maliit ang sukat ng kusina. Sa kabila nito, mayroon pa ring sapat na working space dito dahil sa kanilang U-shaped na counter.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Maaari din itong magamit bilang dining table dahil mayroon itong bar stools. Gaya naman ng living room ay kulay gray pa rin ang mga mwebles sa dining room gaya na lamang ng upuan dito.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay ang mga kwarto. Ayon kay Irish Mae, mayroon ditong master’s bedroom at karagdagang tatlong kwarto.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Ang bawat kwarto ay mayroong iba’t ibang tema at disenyo para sa bawat miyembro ng pamilya. Makikita rin ang isang balcony na konektado sa isang kwarto.
Photo credits: Irish Mae Tacuban Santiago | Facebook
Bukod sa mga ito ay ibinahagi rin nila ang comfort room na mayroong simple ngunit modernong itsura.