Kwento ng Pagkakaibigan ng Isang Dalaga at Isang Manok na Umabot ng 10 Taon, Kumurot sa Puso ng Marami

Madalas ay mga Aso at Pusa ang inaalagaan ng karamihan, ngunit ibahin ninyo ang babaeng ito kung saan isang manok ang kanyang naging alaga kung saan hindi niya ito itinuring lang na basta alagang hayop kundi itinuring niya ito na kaibigan dahil sa loob ng sampung taon nilang pagkakasama ay naging parte ito ng mga importanteng pangyayari sa kanyang buhay.

Si Marielle Custodio, na tubong Cavite ang nagviral sa social media matapos niyang ibahagi ang naging kwento nila ng kanyang alagang manok na ngayon ay sumakabilang buhay na. Ayon kay Marielle sampung taon niyang nakasama ang kanyang alagang manok na pinangalanan niyang Chichi.

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Kwento ni Marielle na nagsimula niyang ampunin si Chichi noong 2011 sa isang fiesta, at mula noon ay naging parte na ito ng kanyang buhay, itinuring ni Marielle si Chichi na matalik na kaibigan at sa lahat ng importanteng okasyon sa kanyang buhay ay andito ito simula ng siya ay magkolehiyo, makapagtapos ng kolehiyo at hanggang makahanap ng trabaho ay anjan lagi si Chichi.

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Masayang ibinahagi din ni Marielle ang mga nakakatuwang alaala niya kay Chichi, ayon kay mariell na matalinong manok si chichi dahil para rin daw itong aso na kung saan kapag may pumapasok na ibang tao sa kanilang bahay na hindi nito kilala ay nagagalit umano ito at nananakot daw ito na manuka. Alam din di umano ni chichi ang oras ng kanyang pagkain dahil kusa lang ito lumalapit sa kusina kapag pumatak na ang alas dose ng tanghali.

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Kwento pa ni Marielle na,

“Pag may nag aaway, sumisigaw yan parang gusto niyang pigilan yung nagaaway. Pag nakakarinig yan ng tunog plastic, humahaba ang leeg nya kasi alam nyang may kumakain. Gustong gusto awayin ni chichi yung tsinelas, hindi ko alam kung bakit hahahaha.”

Buwan ng Nobyemre 2021 ng simulang magkasakit si Chichi at ayon kay Marielle ay inalagaan niya ito ng husto, bagkos pa nga ay nagtanong tanong siya sa mga taong nagaalaga ng manok kung ano nga ba ang makakapagpagaling kay chichi, dinala din diumano niya ito sa Veterinarian. Hanggang dumating na nga ang isa sa pinakamalungkot na sandali sa buhay ni Marielle ang pamamaalam ni Chichi, dahil nitong Pebrero 23 lang ay pumanaw na si Chichi.

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Photo credits: Marielle Custodio | Facebook

Ayon sa post ni Marielle na umantig sa puso ng maraming tao sa social media,

“Chichi.. mamimiss ko ang mga yakap mo, ang amoy mo, ang presensya mo, ang boses mo.. Miss na miss na kita ngayong palang. Alam ko na mas maalagaan ka ni lord jan, mas sobra pa sa nagawa ko para sayo. Wait mo ako jan ha? I love you so much, Chichi.”