Komedyanteng si Brenda Mage Naisakatuparan na ang kanyang Childhood dream na magkaroon ng Sarili niyang Farm

Maliban sa pagtatayo ng negosyo, isa din sa mga itinuturing na magandang investment at oportunidad para kumita ay ang pagkakaroon ng sariling farm, lalo na kung ikaw ay namumuhay sa probinsya.

Sa pagkakaroon ng sariling farm, ay tunay na marami kang magagawa para ikaw ay kumita, katulad na lamang ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop. Kung isa ka sa mga nag-iisip kung saan mas magandang ilagak ang iyong naipon, ang pagsisimula at pagkakaroon ng farm, ay isang magandang ideya.

Marami na ang nagpatunay na ang pagkakaroon ng farm ay mayroong magandang benepisyo, katulad na lamang ng pagkakaroon ng potensyal na kita, mula sa mga alaga mong hayop at pananim. Isa naman sa celebrity na kilala natin na mayroong napakaganda at napakalawak na farm na naipundar ay ang award-winning actress na si Bea Alonzo, at ito ay ang kanyag Beati Firma Farm na matatagpuan sa Zambales. Maliban pa kay Bea, ang journalist na si Susan Enriquez, ay isa din sa mga mayroon ng sariling resort farm.

Samantala, ang komedyanteng si Brenda Mage ay pangarap na noon pa mang kanyang kabataan ang magkaroon ng sarili niyang farm, at kamakailan nga lamang ay masaya niyang ibinahagi na ang pangarap lamang niya na farm noon, ngayon ay nabigyan na niya ng katuparan.

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Sa kanyang Facebook, ay ibinahagi ni Brenda na ang farm niyang ito ay isa sa mga katas ng kanyang pagsisikap. Saad pa niya, sa kanyang FB post, matagal niyang pinag-isipan ang ipapangalan niya sa farm niyang ito, at ngayon ay mayroon na siyang naibigan na pangalan para dito.

“Magandang umaga mga kaibigan, sa tagal ng aking pag-iisip kung ano ang ipapangalan ko sa farm na ito ngayon,finally naka-isip na ako. Since, ito ay mula pa sa pangarap ko na gusto kung bilhin noong bata pa ako. Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan, ngayong nabili ko na siya at inayos para maging farm, I decided to name it ‘Hinaguan”, pagbabahagi ng komedyante.

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Ayon kay Brenda, ‘Hinaguan’ ang napili niyang ipangalan sa farm niyang ito, kung saan ang ibig sabihin umano nito, ay katas ito ng kanyang pagsisikap at pagtitiyaga.
Makikita naman sa isang vlog ni Brenda sa kanyang YouTube channel ang naging pagpapasilip niya ng kanyang farm, at ipinakita din niya ang ilan sa mga harvest nila mula sa mga pananim at alaga nila rito. Masisilayan na sa farm na ito ni Brenda ay mayroon siyag malaking fish pond, kung saan mayroong mga hito at mayroon din siyang mga alagang baboy.

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Maliban sa kanyang mga alagang hayop, ay mayroon ding mga pananim na gulay at prutas si Brenda sa farm niyang ito, katulad na lamang ng mais, monggo, okra, mani, patatas, mangga, niyog, at marami pang iba. Ipinakita din ni Brenda na may tanim siyang Talisay at Pine trees sa farm niyang ito, ganun din ang kanyang malawak na palayan.

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Photo credits: Brenda Mage | Youtube Channel

Tunay namang kaligayahan ang nadarama ni Brenda ngayon, dahil maliban sa nabigyan na niya ng katuparan ang pangarap niyang tahanan, ay heto nga at pati ang kanyang childhood dream na magkaroon ng sariling farm, ay natupad na niya.

Harvest tayo sa Farm :)