Katas ng Online Selling Ang Napakaganda at Modernong Tahanan na Ito ng Isang Pamilya na Mayroong 6-Bedrooms at Napaka-Eleganteng Interior at Exterior na Disenyo

Ang online selling ang isa sa mga pinapatok na pinagkakakitaan ngayon ng marami sa atin. Marami na din tayong mga kababayan na naging matagumpay at gumanda ang buhay dahil sa kanilang kasipagan at pagtitiyaga sa pag-o-online selling. Ang iba pa sa kanila ay nakapagpundar na ng lahat ng pangangailangan nila, tulad ng magandang tahanan, mga sasakyan, at sarili nilang negosyo.

Samantala, isang homeowner ang nagbahagi sa Facebook community page na Home Buddies nito lamang nakaraan ng kanilang maganda, magarbo at malaking tahanan, na ayon sa kanya ay katas ng online selling.

“Sharing our house. Katas ng online selling (since 2016)”, saad ng homeowner na si Jasha Evangelista.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Ayon pa sa pagbabahagi niya, ang napakaganda at napakalaking tahanan nilang ito ay mayroong anim na silid-tulugan, maids room, entertainment room at laundry area.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Makikita naman sa kanyang ibinahagi sa Home Buddies ang ilang mga larawan na kuha sa iba’t ibang bahagi ng kanilang magarbong tahanan.

Sa unang larawan na kanyang ibinahagi ay masisilayan ang labas ng kanilang tahanan, at agad na kamamanghaan ang napakaganda nitong exterior.

Mapapansin ang malalaking glass doors at windows, ganun din ang pagkakaroon nito ng kulay na cream, gray at white na talaga namang napaka-eleganteng kumbinasyon.

Mapapansin sa living area ng tahanan nilang ito ang pagkakaroon nito ng high ceiling, na mas nagpalawak pa dito at nagpa-elegante. Isa sa pinaka agaw-pansin din sa living area ay ang napakalaking wall paint décoc, ganun din ang kanilang napakagarang chandelier.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Sa may kailang gilid ng living area ay makikita din ang tama lang sa laki nadalawang glass table na ang stand ay wood at dito ay naka-display ang mga magagandang dekorasyon ganun din ang mga larawan ng pamilya na nkaa-picture frame.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Isa din sa mga kamanghamanghang bahagi ng tahanan nilang ito ay ang kanilang dining area na mayroong 8-seaters glass dining table.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Pagdating naman sa kitchen area, ay aagaw ng pansin ang tema nitong black, white, wood at gray. Makikita din dito ang mga modern at magagarang kitchen appliances, tulad na lamang ng 2-door refrigerator.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Mayroon ding mini-bar counter sa tahanan nilang ito, kung saan naka-display ang iba’t ibang mga brand ng inumin at mga wine glass. Hindi rin nawala sa tahanan nilang ito ang pagkakaroon ng altar. Napaka-linis at organize naman ng kanilang laundry area.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Simple ngunit elegante ang masters bedroom, ganun din ang walk-in closet. Makikita naman ang bathroom area na marble ang disenyo ng tiles at tunay na napakaganda at linis, ganun din ang balkonahe nito kung saan tila napakasarap magkape kapag umaga.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Maayos at maganda rin ang mga ibang silid, na bakas na ang dalawa ay silid ng kanilang mga anak dahil sa mga kagamitan ng bata ang naka-display dito.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

May isang bahagi din sa tahanan na ito na nagsilbing stock room, kung saan makikita na naka-display ang mga produkto na kanilang ibinebenta sa online selling, katulad ng mga magagandang bags.

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Photo credits: Jasha Evangelista | Facebook

Tunay na napakaganda ng tahanan na ito, at sinong mag-aakala na ito ay katas ng online selling. Tunay din ang kasabihan na lahat pangarap ay pwedeng maging posible, basta’t may sipag at tiyaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *