Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Pinakabagong Mansyon ng Kanilang Pamilya sa Gen San

Hindi na bago para sa pamilya ng dating boxer at senador na si Manny Pacquiao ang maging laman ng iba’t ibang balita, ito man ay patungkol sa kaniyang karera sa boxing o politika, ang magarang lifestyle ng kaniyang asawa at mga anak, at maging ang mga isyu ng kanilang pamilya.

Isa na nga sa mga naging usap-usapan kamakailan lamang patungkol sa kanilang pamilya, partikular na sa relasyon ng mag-asawa ay ang kanilang hiwalayan dahil sa isang annulment na inihain umano ni Jinkee.

Sa kabutihang palad ay itinanggi naman ito ni Jinkee. Bukod dito ay nakita rin na magkasama ang mag-asawa sa isang kasal na ginanap sa General Santos City gayundin sa 44th birthday ni Jinkee at ng kaniyang kambal na si Janet sa Cebu.

Sa kabila ng mga kontrobersya na kinasasangkutan ng pamilya nina Manny at Jinkee ay marami pa ring mga biyaya na dumarating sa kanila. Isa na nga sa mga biyayang ito na talagang ipinagpapasalamat ng Pamilya Pacquiao ay ang bagong bahay na kanilang ipinapatayo ngayon sa General Santos City.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Noon pa man ay talagang bukas na ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa publiko lalo na sa pagbabahagi sa social media ng iba’t ibang kaganapan sa kanilang buhay. Dahil dito, kamakailan nga ay ibinahagi rin ni Jinkee sa ilang Instagram posts ang mga updates sa nasabing bahay.

Ayon nga sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Jinkee na kakaunting panahon na lamang ang kanilang hihintayin bago pa man sila makapag-enjoy sa bahay na ito kaya naman talagang malaki ang kanilang pasasalamat sa Diyos.

Sa mga litrato pa lamang na ipinakita ni Jinkee ay masasabi nang masaya at kuntento ang mag-asawa sa ganda ng mansyon na ito. Isa nga sa mga posts sa kaniyang social media account ay ang litrato nilang dalawa sa harap ng bahay na ito. Mula rin sa mga litratong ito ay makikita ang two-storey house ng pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Napalilibutan din ang bawat bahagi ng bahay ng salamin kaya naman mayroong modernong disenyo ang bahay na ito.

Sa hiwalay naman na Instagram post ay makikita ang iba pang anggulo at parte ng mansyong ito. Isa na nga rito ang porch na mayrong glass panels na nagsisilbing railings gayundin ang konkretong bubong nito. Ipinakita rin ni Jinkee ang view na ma-eenjoy ng kanilang pamilya mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Mapapansin din naman ang iba’t ibang artworks at naggagandahang wallpapers na nakapalibot sa bawat silid ng mansyon. Sa labas naman ng bahay ay makikita ang napakagandang garden na nakapalibot sa property kasama na rin ang swimming pool na mayroong nakakabilib na sukat at ganda dahil sa kakaibang fence na nakapalibot dito.

Dahil sa mga litratong ito ay walang duda na marami ang hahanga at magiging masaya para kay Manny at Jinkee at sa kanilang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *