Isang Pamilya Ipinasilip ang Kanilang Simpleng Bahay Kubo sa Probinsya Kung Saan may Nakakarelax na Ganda ng Kapaligiran

Marami sa mga homeowners ngayon ang mas pinipili na magkaroon ng isang bahay kubo dahil bukod sa mas presko ito at mas mura ay kadalasang may itinatagong ganda rin ang mga ito gaya na lamang ng bahay kubo na ito.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Ang mismong bahay ay mayroong isang malawak na porch na mayroong built-in benches at tiles. Dahil maaliwalas at malawak ang espasyong ito ay walang duda na maaari itong magamit hindi lamang bilang pahingahan ng pamilya kundi bilang receiving area na rin para sa kanilang mga bisita.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Ang loob naman ng bahay ay nahahati para sa iba’t ibang silid nito. Sa isang banda ay makikita ang living area na mayroong ilang sofa at entertainment appliances gaya ng telebisyon. Sa kabilang bahagi naman ng bahay ay makikita ang dining area na mayroong mesa na gawa sa kahoy. Mapapansin naman na mayroon pang sapat na sukat ang unang palapag ng bahay kaya naman talagang mayroon pa silang malawak na espasyo para sa kusina.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Dahil dito, magkakaroon sila ng komportableng lugar para sa paghahanda ng pagkain. Dagdag pa sa indoor kitchen na ito ay maaari din naman silang magtayo ng outdoor dirty kitchen para sa paghahanda ng mas maraming pagkain. Bukod sa mga ito ay mapapansin din ang isa pang silid sa unang palapag ng bahay na mistulang isang kwarto o kaya naman ay comfort room ng mag-anak.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Gaya ng pangkaraniwang mga bahay kubo ay gawa rin sa kahoy ang hagdan ng bahay na patungo sa ikalawang palapag nito. Makikita nga rito ang mga kwarto ngunit ang isa sa pinakamagandang feature nito ay ang balcony. Mula sa balcony na ito ay makikita ang napakagandang view ng probinsya.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

May katamtamang espasyo rin ang balcony kaya naman maaari pa silang maglagay ng ilang upuan o kaya naman ay hammock upang mayroon silang magamit kung nais nilang magpahinga habang tinatanaw ang magandang view. Pwedeng-pwede rin silang makapaglagay na ilang palamuti o kaya naman ay mga bulaklak dito.

Bukod sa napakaganda at preskong interior ng bahay ay kanais-nais din ang napakalawak na garden at bakuran ng bahay. Perpekto ito para sa iba’t ibang aktibidad ng pamilya o kaya naman ay para sa kanilang mga selebrasyon at simpleng salo-salo. Sa ilang litrato naman ay makikita rin ang mga hayop na inaalagaan ng mag-anak.

Photo credits: AwesomePhilippines | FB Page

Dahil sa espasyong ito ay pwedeng-pwede pa nila itong madagdagan. Mapapansin din na maraming mga punong kahoy ang nakatanim sa paligid ng property ngunit dahil sa lawak nga nito ay maaari pang makapagtanim ang mga homeowners ng iba’t ibang gulay at prutas at maging mga makukulay na bulaklak na siguradong makakadagdag sa kagandahan ng kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *