Isang Netizen, Unti-unting Tinupad ang Pangarap na Makapagpatayo ng Sariling Bahay, Ngayon Masaya ng Naninirahan sa kanilang Naipundar na Modern 2-Storey House

Talagang marami na ang mga modernong tahanan ngayon kaya naman importante na mayroon itong kakaibang feature upang maging mas agaw-pansin din ito. Sa kabutihang palad, marami ang makikitang mga ideya sa internet at social media na maaaring magamit sa pagdidisenyo ng isang bahay. Ito nga ang ginawa ng homeowner na ito na nagbahagi rin ng kanilang napakagandang tahanan sa social media.

Sa panlabas na disenyo pa lamang ng bahay ay hindi na maitatanggi na talagang agaw-pansin ito. Mayroon itong simpleng porch gayundin ang kakaunti ngunit sapat na espasyo para sa ilang halaman sa labas ng bahay. Sa kaliwang bahagi naman ng bahay ay makikita ang carport. Kung maganda na ang bahay tuwing umaga ay tiyak na kanais-nais rin ito sa gabi dahil sa iba’t ibang ilaw na nakapalibot dito.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Pagpasok naman sa mismong bahay ay sasalubong ang living room na mayroong simpleng couch at telebisyon. Isa sa kahanga-hangang feature ng silid na ito ay ang tiles na mayroong marble patterns. Bagay na bagay ito sa geometrical patterns na makikita bilang disenyo ng dingding. Agaw-pansin din ang elliptical chandelier sa lugar na ito na talaga namang karaniwang makikita sa mga modernong tahanan ngayon. Nakakabilib din ang paggamit ng mga homeowners ng high ceiling dahil nagmumukhang malawak ang espasyo bagamat sa katunayan ay limitado lamang ito.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Mula naman dito ay mapupuntahan ang dining area at kusina ng bahay. Gaya ng living room ay simple din ang layout ng dining area at kusina. Mayroon itong dining table kung saan kasya ang anim na tao. Sa espasyo naman ng kusina ay makikita ang isang itim na L-shaped counter. Gaya naman ng mga modernong kusina ngayon ay mayroong storage cabinets sa ilalim at itaas na bahagi ng counter na ito.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Mapapansin din na limitado lamang ang working space dito kaya naman talagang matalino ang kanilang paggamit ng isang kitchen island counter. Bukod sa magiging mas komportable ang mga homeowners sa kanilang paghahanda ng pagkain ay magkakaroon pa sila ng karagdagang espasyo para sa iba pang kitchen supplies at appliances.
Bukod sa ganda ng bahay ay nakapagbibigay din ng inspirasyon ang kwento sa likod ng pagpapatayo ng magandang bahay na ito.

Ayon sa Facebook user na nagbahagi nito sa social media, ilang taon din silang naghintay at nagdasal upang magkaroon din sila ng magandang mansyon gaya ng ibang homeowners.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

At dahil maraming bagong ideya at mahalagang payo mula sa mga homeowners ang maaaring makuha mula sa mga Facebook groups ngayon ay minabuti rin nila na kumuha ng iba’t ibang ideya at inspirasyon mula sa kakaibang tema ng mga bahay na makikita sa social media.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Dahil dito, hindi na nga nakapagtataka na talagang naging matagumpay ang konstruksyon ng kanilang sariling tahanan at naging maganda rin ang resulta nito.

Photo credits: Kris Toff | Facebook

Ngayon ay talagang kuntento nga sila sa kinalabasan ng bagong tahanan na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *