Isang Netizen, Ibinahagi ang Katuparan ng kanyang Matagal ng Pangarap, ang Magkaroon ng Sariling Bahay Matapos Makapagpundar ng Isang Modern Minimalist Bugalow House na may Kahanga-hangang Disenyo

Talagang napakaraming ideya ang makukuha sa internet at social media ng sinumang nais magpatayo at magdisenyo ng bahay. Ang ilan nga sa mga homeowners na nagbabahagi ng kanilang mga naggagandahang tahanan ay nagbibigay hindi lamang ng kakaibang mga ideya kundi pati na rin mga mahahalagang payo sa pagdidisenyo ng eleganteng bahay.

Sa mga litrato pa lamang na ibinahagi ng netizen na si Ivy Nitura ay masasabi na talagang maganda itong mapagkunan ng inspirasyon at ideya. Dahil dito, talaga namang makikita na napakaraming mga netizens ang nagkaroon ng interes sa kaniyang minimalist ngunit eleganteng bahay.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Sa living room pa lamang ng bahay ay mapapansin na ang all white na tema nito mula sa couch, coffee table, at mga storage spaces. Bagay dito ang wood accents sa iba’t ibang mwebles gayundin ang kulay asul at berdeng painting at mga throw pillows.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Sa kusina naman ay makikita pa rin ang parehong tema ng mga kulay gayundin ang gold accents sa iba’t ibang mwebles at dekorasyon. Elegante rin ang six-seater dining table ng bahay gayundin ang island table dito. Kapansin-pansin din ang kakaibang disenyo ng mga bar stools at talagang agaw-atensyon rin ang chandelier.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Dahil naman sa open layout ay makikita rin agad ang kusina sa kabilang bahagi ng espasyong ito. Upang mapanatili ang tema ay makikita pa rin ang puting kulay rito ngunit kapansin-pansin ang mas maraming mga kagamitan na gawa sa kahoy gaya na lamang ng floating na kabinet. Makikita rin ang klasikong L-shaped na counter na gawa sa tiles at ang kakaunting appliances na talaga namang nakakadagdag sa pagiging minimalist ng bahay.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Pagdating naman sa mga kwarto ng bahay ay makikita pa rin ang parehong tema ngunit kung susuriin ay mapapansin na naglagay rito ang mga homeowners ng kakaibang patterns na bagay at ayon sa panlasa ng mga mamamalagi rito.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Ang comfort room naman ng bahay ay mayroon pa ring parehong tema at minimalist na mga dekorasyon.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Talagang bagay na bagay ito para sa silid na ito upang mas madaling mapanatili ang kalinisan dito.

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Photo credits: Ivy Nitura | Facebook

Bukod sa interiors ng bahay ay ibinahagi rin ng homeowner ang kanilang bakuran na mayroon ding simpleng itsura at kakaunting palamuti gaya ng iba’t ibang halaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *