Isang Binata, Ipinagmalaking Ipinasilip ang Kanyang Naipundar na Napakagandang 2x3m Loft Bed Style Bedroom na Pangarap niya lang Noon

Maliban sa mga modern houses, usong-uso din ngayon ang mga tiny houses, na mayroong mga loft style bed, at ang mga gnitong uri ng tahanan ang naging inspirasyon sa ilan sa atin para mabigyan ng katuparan ang pangarap nating sarili nating tahanan o di kaya naman ay space, lalo na kung maliit na area lamang ang mayroon tayo.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang binata na dahil sa kanyang pagkahilig sa panonood ng mga tiny home sa Facebook community page na Home Buddies, ay naging inspirasyon ito sakanya upang bigyan ng katuparan ang kanyang pangarap na sariling space o room.

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Ibinahagi ng binatang si Jp Bacugan sa Home Buddies ang naging pag-aayos ng pangarap niyang silid, kung saan ang naging inspirasyon niya sa pagbuo nito ay ang mga nagagandahan na tiny home na kanyang nakikita sa sinusubaybayan niyang Facebook community page.

“Dati napapanood ko lang sa tiny home nation at nakikita dito sa home buddies. Now nagawa ko na rin sa sarili kong room.
Started from scratch 2 x 3 meters po yung size ng room after 3 months natapos din Lazada and shoppee pay later for the win ”

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Ayon sa kanya, nakikita niya sa Home Buddies ang mga magagandang tiny home, kaya naman dito siya nakakuha ng ideya na maari niyang gawin sa pangarap niyang sariling silid. Ipinakita naman niya sa kanyang naging post sa Home Buddies ang larawan ng naging pagbuo ng silid na pangarap niya, mula sa pinaka-umpisa ng pagawa nito hanggang sa ito ay maging isa ng napakagandang silid na mala-home buddies ang vibes.

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Ang silid na ito ni Jp Bacugan ay nagsimula sa scratch at may sukat lamang na 2×3 meter. Inabot din ng tatlong buwan bago tuluyang mabuo ang silid niyang ito. Mas naging mala-home buddies inspired naman ito dahil sa mga dekorasyon na inilagay niya rito, na ayon sa kanya karamihan ay nabili niya sa Lazada at shoppee sa pamamagitan ng pay later.

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Makikita naman sa larawan na ibinahagi ng binata, na ang silid niyang ito ay mayroong loft style bed katulad ng mga nasa tiny houses, sa ilalim naman nito ay ang kanyang study area kung nasaan ang kanyang laptop, at gaming, nasa bahagi ding ito ang ang kanyang closet. Mas naging moderno pa ang dating ng silid na ito ni Jp dahil sa ceiling nito na may magara ding disenyo, ganun din ang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong silid.

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Mapapansin din na isa sa mga nagpaganda sa silid na ito ni Jp ay ang kanyang mga carpet ganun din ang mga luntiang halaman na kanyang inilagay dito para mas magkaroon ito ng nakaka-relaks na vibes. Kapansin-pansin din na ang pintuan sa silid na ito ni Jp ay isa din sa mga pinto na nauuso ngayon, at ito ay ang barn doors, na talaga namang perpekto sa mga maliit na silid.

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Photo credits: Jp Bacugan | Facebook

Sa kabuuan ay talagang bibilib tayo sa napakagandang silid na ito ng binata, kahit kasi maliit ito, ay maaliwalas ito at mayroong nakakarelaks na vibes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *