“I grew up to be really grade conscious” Shamcey Supsup, Naging Inspirasyon Matapos Ipakita ang kanyang Grado noong Nag-aaral palang Siya

Sa larangan ng Beauty Pageant katulad ng Miss Universe, hindi lang puro ganda o kaseksihan ang binabasehan dito, kailangan din dito ay magaling at matalino, at yan ang pinatunayan ni Miss Universe 2011 3rd runner up na si Shamcey Supsup matapos nitong ibahagi ang kanyang transcript of record na talagang nagpapakita kung gaano siya katalino at kagaling sa academics.

Si Shamcey Supsup ay tubong Iligan Lanao Del Norte at ipinanganak noong Mayo 16 1986, tatlong taong gulang siya noon ng lumipat sila ng kanyang pamilya sa General Santos City kung saan ang kanyang ama ang kanyang kasa kasama dahil ang kanyang ina ay nagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa.

Photo credits: google.com

Bago pa man siya lumawas at mag-aral sa manila si Shamcey ay tumutulong sa bukid sa kanyang ama.

Nagpursige at nagsipag ng mabuti si Shamcey sa kanyang pag-aaral simula grade school hanggang sa kanyang kolehiyo kung saan naging valedictorian siya noong grade school, salutaturian noong high school at magna cum laude naman noong siya ay nakapagtapos ng architecture sa UP Diliman.

Taong 2011 ng sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan nasungkit niya ang korona, isa sa mga napakagaling na naging sagot niya ay ng tanongin siya ng

“With what worthy cause do you identify yourself and why?”

kung saan sinagot niya ng,

“I think one worthy cause I can identify myself is valuing education because I believe that education is something that cannot be taken away from you. You can have money, you can have fame. But in the end, it can be taken from you. But education will always be there to help you in your life.”

Photo credits: google.com

Setyember ng taong 2011 din noon ng sumabak si Shamcey sa Miss Universe 2011 kung saan siya ang naging pambato ng Pilipinas na ginanap sa Sao Paulo Brazil.

Isa sa mga katanungan sakanya na nagpabilib sa mga hurado ng sagutin niya ay,

“Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why and why not?”

kung saan sinagot niya ng,

“If I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love because the first person that I love is God, who created me. And I have my faith, my principles, and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.”

Photo credits: google.com

Sa kanyang social media account ibinahagi ni Shamcey ang kanyang transcript of record kung saan may napakahabang caption na,

“I grew up to be really “grade conscious” or “GC” for short. It didn’t matter if I really learned anything as long as I get the grade, I was fine 😝

But now, I am more than certain that grades are not everything. Grades should be a byproduct of learning. And what you do with that knowledge is MUCH more important than what is on your report card… On a serious note though: Sino ba tong Prof. ko sa History of Architecture? Panira ng transcript eh!”

Talagang mapapabilib ka sa taglay nakagandahan, kaseksihan at katalinuhan ni Shamcey.