Humanga sa Tiny House na Ito na May Napakagandang Panloob at Panlabas na Disenyo na Perpekto sa Maliit at Nagsisimulang Pamilya

Talagang mabibighani ang kahit na sino sa tiny home na ibibida natin ngayon, dahil sa kabila ng pagiging maliit nito, ay mayroon naman itong nakakamangha sa gandang interior, idagdag pa ang outdoor picnic set na nasa bandang kanan ng balkonahe. Perpekto ang ganitong tiny home bilang tambayan, o maari din itong maging guest house o di kaya naman ay main home ng isang maliit na pamilya.

Photo credits: AwesomePhilippines

Makikita sa larawan na sa loob ng tiny home na ito ay limitado lamang ang mga espasyo, ngunit maari pa ring magdagdag dito ng maliit na kusina, na paglalagyan ng mga pinakakinakailangan sa kusina, tulad ng lutuan at mga gamit pang luto.

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

 

Napakaganda din ng kumbinasyon ng kulay na makikita sa exterior at interior ng tiny home na ito, kung saan ang exterior nito ay napipintahan ng kulay blue at gray, samantala, white at cream naman ang pinta ng interior.

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Ang tiny home na ito ay may pagka-studio type ang layout at perpekto ang mga ganito kaliit na tahanan para sa mga limited lamang ang budget sa pagpapagawa ng sarili nilang bahay. Perpekto din ang ganitong klase ng tahanan para sa mga nagsisimula pa lamang sa pagpapamilya.

Kahit naman maliit ang tiny home na ito ay mayroon naman itong modernong disenyo, kung saan ito ay mayroong napakaraming tampok na sliding glass, tulad na lamang ng pinto nito at mga bintana.

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Pagpasok sa loob nito, ay agad na mapapansin ang maliit nitong espasyo, ngunit tamang-tama naman ito para magkaroon ng kumportableng living area na maaring lagyan ng sofa bed na maaring magsilbing upuan, at extra bed naman kapag kinakailangan ng karagdagang higaan.

Photo credits: AwesomePhilippines

Hindi naman kinakailangan na lagging sa loob tumambay sa tiny home na ito, dahil may mga nakakabighani din itong features sa labas na maaring magandang tambayan, tulad na lamang ng nasa harapan nito na outdoor picnic set.

Maari ding maging tambayan ang balkonahe nito, kailangan lang maglagay dito ng lames at upuan, at paniguradong perfect coffee area ito lalo na tuwing umaga.

Photo credits: AwesomePhilippines

Sa mga nagsisimula pa lamang na bumuo ng pamilya o di kaya naman sa mga nagpaplano na gumawa ng isang kumportableng tambayan para sa pamiya, ay magandang ideya naman talaga ang tiny home na ito.

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Photo credits: AwesomePhilippines

Ayon naman sa ulat, ang ganitong tiny home na mala-studio type at may modernong disenyo ay maaring umabot ang halaga sa higit kumulang Php1-milyon depende pa rin sa materyales na gagamitin sa pagbuo ng tahanang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *