Humanga sa Moderno at Napaka Cute na 1-Bedroom Tiny Amakan House na Ito na Naipundar ng Isang Pamilya na Aabot sa Php800k ang Nagastos sa Pagpapatayo

Kung ang iba sa atin ay nangangarap na magkaroon ng malaki, magarbo at kongkretong tahanan, mayroon namang iba na mas ninanais ang magkaroon ng simple ngunit kumportableng tahanan. Pagdating sa mga simple at kumportableng tahanan, pasok na pasok dito ang mga tahanan na ang ideya ay gawa sa materyales na amakan.

Ang isang tahanan na gawa sa amakan, ay tunay na magandang ideya, lalo na kung ang hanap ng isang pamilya ay ang pasok sa kanilang budget. Halimbawa na lamang nito ay ang amakan house na ibibida natin ngayon, isang napaka-cute na tahanan na may isang silid-tulugan at preskong balkonahe, na tinitirhan ng isang pamilya.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Hindi man kalakihan o magarbo ang tahanan na ito ng pamilya, tunay naman na ito’y kanilang maipagmamalaki, dahil sa kumpleto ito sa lahat, tulad ng pagkakaroon nito ng maayos na living area, dining at kitchen. Kaaya-aya din ang interior ng amakan house na ito.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Samantala, isa sa mga agaw-pansin sa amakan house na ito ay ang iba’t ibang istilo ng floor tiles nito, at ito ay sa kagustuhan ng homeowner nito. Talaga namang kahanga-hanga ang ganda ng tahanan na ito, at napaka-preskong tirhan, dahil sa amakan walls nito na sinusuporthanan ng mga bamboo slats.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Sa kabila naman ng pagiging amakan ng dingding ng tahanan na ito, moderno naman ang mga bintana nito, kung saan ito ay sliding glass window. Isa pa sa tunay na ikinaganda ng amakan house na ito ay ang kanilang balkonahe, kung saan perpekto ito sa kung nais nilang mag-hangout na pamilya.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Batid naman natin na ang ganitong mga native house ay hindi pangmatagalan, kaya naman mainam pa rin na kapag ganito ang ipapagawang tahanan, ay siguraduhin na ang mga materyales na gagamitin dito ay may pang laban sa mga anay o peste na maaring makasira sa mga kahoy nito. Magandang ideya din ang pagkakaroon ng kongkretong mga poste ng tahanan na ito.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Makikita sa amakan house na ito na kahit ito ay maliit, ay napakapresko naman nito, lalo pa’t talagang mapapansin na ang bawat espasyo nito ay talagang pinagplanuhan ng homeowner. Dahil sa hindi naman kalakihan ang espasyo ng tahanan na ito, ay mas mainam na ang mga kagamitan na ilalagay dito ay ang gamit na makaka-maximize dito.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Mapapansin naman na sa kitchen area at mayroon itong single-line counter ser up nan aka-opposite sa main door, at sa gilid naman nito ay ang backdoor. Mayroon ding modernong toilet bath ang amakan house na ito, kung saan mapapansin ang pagiging marble-inspired ng mga walls nito.

Photo credits: Homeszilla | Facebook

Ayon sa ulat, ang ganitong tahanan ay nasa halagang Php800,000, depende pa rin sa mga materyales na gagamitin sa pagawa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *