Humanga sa Budget-Friendly Loft Style House na ito ng Isang Pamilya na Kanilang Naipatayo sa Higit Kumulang Php1M

Naghahanap ka ba ng perpektong disenyo para sa iyong pangarap na tahanan? Batid natin na ang pag-iisip ng magandang disenyo para sa sarili nating tahanan ang isa sa mga pinaka-challenging na ginagawa ng isang homeowner.

Kung isa ka sa mga naghahanap ng perpekto at magandang disenyo para sa iyong pangarap na tahanan, na siguradong abot-kaya ng inyong budget, isang magandang ideya at inspirasyon ang tahanan na ating ibibida ngayon, at ito ay ang napakagandang disenyo mula sa AirBNB unit na panigurado namang magugustuhan ng kahit na sino ang napaka-unique nitong disenyo.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Makikita sa larawan na ang tahanan na ito ay may pagka-tipikal studio ang layout, ngunit ang kamangha-mangha dito at tunay na agaw-pansin ay ang bedroom nito na naka-loft style, ganun rin ang patungo rito na napakagarang hagdan na gawa sa kahoy ang staircase ganun din ang railings.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Isa din sa talagang naging atraksyon ng tahanan na ito ay ang napakarami nitong mga bintana, na siyang nagbigay ng maaliwalas at maliwanag na dating sa loob ng bahay. Mas naging elegante din ang tahanang ito dahil sa makintab na floor tiles.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Mapapamangha din ang sinoman sa bathroom area ng loft style home na ito dahil sa brown tiles at mga white fixtures nito. Moderno din ang istilo ng kitchen area ng tahanang ito, kung saan ito ay mayroong l-shaped kitchen counter na talaga namang nauuso ngayon.

Ang L-shaped counter sa kusina ng tahanan na ito ay napakabudget-friendly talaga dahil sa ito ay gawa lamang sa plywood at tiles. Kahit naman light materials lamang ang ginamit para sa kitchen counter ng tahanan na ito, ay sinigurado naman ng homeowner nito na ito ay matibay, sa pamamagitan ng paglalagay ng sealant sa plywood nito at ang palagiang pag-pipintura dito.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Samantala, sa mga ganitong disenyo ng tahanan, ay maaring gumamit ng iba’t ibang mga materyales para mabuo ito, at ito’y nakadepende sa iyong kagustuhan at budget. Halimbawa, sa mga ilan sa mga maaring materyales na gamitin sa tahanang ito ay ang long-span roof para sa wall, kung nais mo ng container-inspired na disenyo.

Mapapansin naman na sa tahanang nasa larawan, na ang mga dingding nito ay mga cement board ang exterior, samantala, plywood naman ang nasa interior, at ang mga ito ay pinintahan lamang ng kulay puti upang mas maging maaliwalas at magandang tingnan.

Tunay namang isang magandang ideya at inspirasyon na naman ang tahanan na ito para sa mga nagpaplanong magpagawa ng kanilang sariling bahay.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Para naman sa mga napupusuan ang ganitong disenyo ng tahanan, ayon sa ulat ay kinakailangan ng mas mababa sa halagang Php1-milyon para mabuo ang pangarap na ganitong tahanan, ngunit depende pa rin umano sa magiging materyales na gagamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *