Dianne Medina Ipinasilip ang Magarbong Hotel Inspired 3-Story House na Naipundar Nila ng kanyang Asawa na si Rodjun Cruz

Sa mundo ng showbiz ay napakarami nating hinahangaang artista, kung saan dahil sa ating paghanga sa kanila, ang mga ito ay sinusubaybayan natin mapatelebisyon man o kanilang personal na buhay.
Ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz, ay ilan lamang sa mga hinahangaan at sinusubaybayan nating personalidad sa mundo ng showbiz. Ang mag-asawa ay hindi lamang basta iniidolo at hinahangaan dahil sa kanilang pagiging mahusay na artista, kundi dahil na din sa pagiging matibay nilang dalawa mula pa ng sila’y maging magkasintahan hanggang sa maging mag-asawa.

Naging inspirasyon din sa maraming magkasintahan at mag-asawa ang celebrity couple na sina Dianne at Rodjun dahil sa kanilang naging magandang pagpaplano ng sa kanilang buhay mag-asawa. Kinabiliban ang mag-asawa, matapos nilang ma-engage at bago pa man sila humarap sa altar para sa kanilang pag-iisang dibdib, ay kanila ng nabigyan ng katuparan ang kanilang dream home.

Samantala, kamakailan lamang sa YouTube channel ng OG, ay masayang ipinasilip ni Dianne Medina sa publiko ang kanilang dream home ng mister niyang sirodjun Cruz, kung saan ito’y isang 3-story modern home na mala-hotel ang disenyo.

Ang napakagarbong tahanan na ito ng mag-asawa ay matatagpuan sa isang ekslusibong village sa Quezon City, at ayon kay Dianne, ang lupang kinatitirikan ay ineregalo sa kanila ng kanyang mga magulang bago ang kanilang kasal ni Rodjun.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Sa pagbibigay tour ni Dianne sa loob ng kanilang dream home, ang una niyang nilibot at ipinasilip ay ang groud floor area kung saan makikita ang kanilang mini foyer, malawak na living area, informal at formal dininbg area, clean kitchen, dirty kitchen, at kanilang lanai na nasa bahagi ng pool area.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Pagpasok ni Dianne sa kanilang maindoor, ay agad na bumungad ay ang malawak na living area, ngunit bago ito ay mapapansin muna sa bandang gilid ng main door ang mini foyer, kung saan ayon ay Dianne ang pinaka-highlight ng bahaging ito ay ang kanilang customized gold mirror. Saad pa ng aktres, karaniwang mapapansin sa bahaging ito ay ang neutral na kulay dito, tulad na lamang naka-display dto na may kulay na white, gold at beige.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Dumako naman ang aktres sa kanilang napakalawak na high ceiling living area, kung saan makikita ang napakagarang sofa. Ayon kay Dianne, talagang pinalawak at pinalaki nila ang kanilang living area dahil sa gustonbg gusto niya ang nagkakaroon ng mga party, o di kaya naman ay mag-imbita ng mga kaibigan sa kanilang tahanan.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Isa naman sa talagang agaw-pansin sa living area ay ang grand staircase sa tahanan nilang ito, ganun din ang makikita ditong napaka-sopitikadang chandelier.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Kasunod naman na ipinakita ni Dianne ang kanilang informal dining area, na ayon sa kanya ay dito sila madalas na kumakain ng mister niyang si Rodjun. Makikita dito ang isang 4-seater dining table, at wall-mounted television, ganun din ang refrigerator na puno ng iba’t ibang inumin, at mayroon din ditong water dispenser.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Siyempre mayroon ding formal dining area sa magarbong tahanan na ito nina Dianne, kung saan naman makikita ang kanialang napakagarang 10-seater dining set. Pagbabahagi ni Dianne, ginagamit nila ang area na ito kapag mayroon silang mga bisita o may nahahanap na pagtitipon sa kanilang tahanan.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Ipinakita din ng aktres ang kanilang clean kithen area, na ayon sa kanya ay hindi naman kalakihan, subalit kumpleto din ito sa lahat ng mga kbasic kitchen appliances. Mayroon din umano silang pantry sa bahaging ito kung saan naman naka-store ang mga stocks nilang pagkain.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Mapapansin naman ang kakaibang tema ng kitchen area nilang ito, kung saan ito ay may kakaibang dating dahil sa kakaibang kulay nito na may kumbinasyon ng beige, black at gold. Ayon dinkay Dianne, dito niya madalas ginagawa ang kanyang mga cooking show.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Mula naman sa may formal dining area ay matatanaw ang mini lanai sa tahanan na ito nina Dianne at Rodjun. Ang access patungong lanai ay sliding door, at makikita dito ang 8-seater dining set na maaring tambayan lalo na kapag gusto nilang i-enjoy ang malamig na simoy ng hangin sa labas.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Ibinahagi naman ni Dianne na sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan makikita ang master’s bedroom at dalawa pang bedroom na ang isa ay para sa anak nilang si Joaquin at nagsisilbing guest room naman ang isang silid. Kuwento din ni Dianne, plano nilang mag-asawa na ipa-renovate ang ikalawang palapag ng kanilang tahahan at magdagdag pa ng isang kuwarto para sa magiging isa pa nilang anak dahil sa plano din talaga nilang bigyan ng kapatid ang panganay na anak nilang si Joaquin.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Humingi naman ng pasensya si Dianne dahil hindi siya maipapasilip sa house tour niyang ito ang kanilang masters bedroom at iba pang silid, para na rin sa kanilang privacy.

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content | Youtube Channel

Kasunod nito ay umakyat na ang aktres sa ikatlong palapag kung saan naman kanyang ipinasilip ang kanilang gym, theater room at walk in closet.

Inside Celebrity Couple Rodjun Cruz & Dianne Medina's Dream House That Feels Like Hotel | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *