Dating Palaboy at Nakatira lang sa Kalye, Isa na Ngayong Promotions Manager at may Bahay ng Tinitirhan Matapos Mag-Viral ang kanyang Video sa TikTok

Pag-viral sa TikTok nakatulong sa isang palaboy na magkaroon ng trabaho at maayos na buhay. Noon lamang buwan ng Nobyembre taong 2022, isa palaboy sa lansangan ang nakunan ng video ni Claudine Abel, kung saan ang palaboy na ito ay ang 40-taong gulang na si Sadha Shiva “Jeff” de Vera. Makikita sa umalat na video sa TikTok ang nakangiting si Jeff habang nakumakaway at hawak-hawak ang isang uting .

Photo credits: GMA Public Affairs

Hindi naman inakala ni Claudine na ang video na ito ni Jeff na kanyang nakunan, ay magba-viral, kung saan maraming mga netizens ang naantig sa palaboy, dahil sa pagiging malambing nito sa isang kunting. Tila naman talagang marami ang naantig sa naturang video, sapagkat matapos itong ibahagi sa TikTok, ay agad itong nagkaroon ng maraming mga view, hanggang sa umabot na ito sa 5.7 million na views.

Photo credits: GMA Public Affairs

Photo credits: GMA Public Affairs

Nasundan pa ang naturang video, kung saan ang video na ito ay ang naging pagbisita ni Claudine kay Jeff. Sa videong ito din ay makikita ang naging pag-make over kay Jeff at pagbihis sa kanya ng mas pormal at maayos na mga kasuotan.

Photo credits: GMA Public Affairs

Samantala, dahil sa pag-viral ng video ni Jeff na nakunan ni Claudine, ay hindi nila akalain pareho ang maraming oportunidad na magbubukas sa 40-taong gulang na palaboy. Ang mga oportunidad na dumating kay Jegffg ang siyang naging daan para mas maging mabuti ang kanyang kalagayan at maiahon niya ang sarili niya sa kahirapan.

Hindi naman natapos ang pagtulong ni Claudine kay Jeff sa pag-makeover dito, dahil matapos nito ay dinala niya ito sa insurance company na pinagtatrabahuan ng kanyang partner. Kuwento naman ni Claudin kahit naman isang palaboy si Jeff ay naging mahusay ang pagsagot nito sa interview, kaya naman agad din itong napasok sa insurance company bilang isang utility personnel.

Photo credits: GMA Public Affairs

Kinakitaan naman si Jeff ng potensyal sa pakikipag-communicate at pakikisalamuha sa mga tao, kaya naman hindi nagtagal ay na-promote siya bilang promotions manager.
Ibinahagi naman ni Jeff, na bago siya maging isang palaboy, ay mayroon siyang trabaho at bahay na inuupahan noon, ngunit dahil sa pandemya nawalan siya ng trabaho dahilan para hindi siya makapagbayad ng renta.

Dahil sa kawalan ng trabaho at hindi na rin makapagbayad sa renta,nagdesisyon umano siya na manirahan sa underpass sa Taguig, kung saan halos 3-taon din siyang namalagi doon na tanging kasama lang niya ay ang pusa na wala ring tahanan. Saad pa niya, may mga kapatid naman siya, ngunit ayaw niyang maisturbo pa ang mga ito sa kani-kanilang mga buhay, at sanay naman siya mamuhay ng mag-isa.

Sa ngayon ay wala na nga si Jeff sa lansangan, dahil isa na siyang promotion manager ngayon sa isang insurance company, at mayroon na din siyang tinutuluyang bahay. Ang naging malaking pagbabago na ito sa buhay ni Jeff ay dahil sa naging pagba-viral niya sa TikTok.

Photo credits: GMA Public Affairs

Photo credits: GMA Public Affairs

May mensahe naman si Jeff para sa lahat ng patuloy na humaharap sa hamon ng buhay, “Wag po tayong padadaig sa pagsubok ng buhay. Kahit ano pang hirap, basta may gawin ka lang mabuti, basta may gawin ka lang maayos, darating at darating din ang biyaya para sa inyo.”

Dating nakatira sa kalsada, promotions manager na ngayon | Good News