Dalaga na Nangarap lang Noon at Nagtiwala sa Sarili na Magtatagumpay ang kanyang Munting Negosyo, Mga Bigating Artista na Ngayon ang Tumatangkilik ng kanyang mga Produkto

Inspirasyon ang naging hatid ni Chantal Serafico, matapos niyang ibahagi ang nakakabilib na kuwento ng kanyang tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Tulad ng maraming mga negosyante sa ating bansa, ang dalaga ay nagsimula din umano ang kanyang negosyo ng kakaunti lang at halos walang naniniwala, at ang tanging naging sandata niya sa kanyang pagsisimula ay ang kanyang bilib at tiwala sa kanyang sarili na darating ang araw na magtatagumpay din siya sa negosyong kanyang sinimulan.

Ibinahagi din ni Chantal na naniniwala siya sa kasabihan, na kung kaya ng iba, kaya niya din, ang kinakailangan lamang ay magpatuloy lang siya na gawin ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa para makamit ang kanyang pangarap.

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Kuwento pa niya madami din siyang pinagdaanan sa kanyang pagnenegosyo, mga panahon na siya ay nadapa at pumalpak, ngunit hindi naging dahilan ang mga ito para siya ay tumigil sa kanyang sinimulan, bagkus ang mga natutunan niya umano sa pinagdaanan niya ang kanyang naging daan hanggang sa siya ay magtagumpay.

“Laban para sa Pangarap. 

Hi! Ako po si Chantal Serafico. Isa sa mga kabataan lumalaban para sa kanyang pangarap. Para sa pamilya .Lahat na ata ng Raket Pinasok ko na hahaha! Kasi ayaw ko na bumalik sa buhay namin dati. So i started working. I do Modeling then after non nag Call center ako up to this day nag call center parin ako at may mga sideline sideline na endorsement na awa ng dyos medyo effective pala ako ng super micro mini influencer hahahhaa!
Endorsement shoots, pageants and nag try din mag tinda tinda before ng kung ano ano para may pang bayad ng mga bills and para maka survive araw araw.”

”Sabi nila ambisyosa daw ako, masyado daw mataas pangarap. So anong ginawa ko? Sa sobrang dami ng nanghuhusga at sa sobrang dami ng rejections at sa dami ng mga tao minsan kakilala mo pa nga. na hindi masaya na nakikita akong nag iimprove, parang nagka kalyo na ang isip ko. Nawalan nalang ng pake.  Naloka na kung baga. Ahahahaha charaugt.!

Nasanay nalang ako. And then dumating nalang yung point na narealized ko na, “KAILANGAN KO MAG MOVE FORWARD SA LIFE”. Yung deadma na lahat sa mga pang aalipusta nila saken. Hahaha kaya nauso yung word saken na “Deadma ko sa Kanila.” Try nyo effective. 
Kasi kung papansinin ko lang sila, sayang yung time ko e. So i keep in mind na mag Invest time ng time for Myself, to my family, to my friends and to those people who invested their trust and time for me.

I am thankful that i have my bestfriend! na kahit lagi kaming magka away e never nya ko sinukuan. He invested his time and effort to teach me anything he learned from business. And i am so thankful. Nag fofocus ako ngayon sa goal ko at sa mga taong nagtitiwala saken at sa mga tao na gusto ko ding tulungan. Sa pangarap ko at sa pamilya ko.

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Isa din umano sa kanyang natutunan ay ang huwag ikumpara ang buhay mo sa buhay ng iba, upang mas makita mo ang mga biyaya na dumarating sa iyong buhay at matutunan na pahalagahan ang mga ito. Mas mainam din na maging masaya ka sa bagay na narating ng iba, at gawing inspirasyon ang mga ito.

”Pero ayon na nga! Haha habang nag ko Call center parin at sobrang saya ko. Kasi kahit madami yung taong hindi masaya sa success ko. Siguro di lang naman ako ang nakakaranas nito, sadyang may mga ganon talaga sigurong tao. mas madami parin naman yung mga taong sumusuporta saken. So kahit mahirap. Sobrang worth it parin lahat ng ginagawa ko.

So tuloy lang tayo. Kasi balang araw magiging worth it din ang lahat.  Raket lang ng Raket!! Laban! Saka ang tanging hiling ko lang sa Taas ay wag ako magkakasakit at panatilihin nya akong malakas sa hamon ng buhay. Yun lang sapat na. 

Why am I posting this? Because someone reading this right now is going through the same thing, someone is struggling with life, someone reading this is trying their hardest just to keep moving. You aren’t alone and I can promise you it gets better, but only if you’re willing to make it better and No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that’s the biggest betrayal.”

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Samantala, sa lahat nga ng pinagdaan ng dalaga sa kanyang pagnenegosyo, ngayon ay proud niyang ibinahagi na nakamit na niya ang tagumpay na kanyang inaasama. Ayon sa kanya isang taon na ring namamayagpag ang negosyo niyang ISLA.Co at nagpapasalamat siya sa lahat ng tumangkilik at sumuporta sa mga produkto niya.

Nakakabilib naman talaga ang naging tagumpay ng negosyong ISLA.Co ng dalaga, dahil ngayon ay hindi lamang mga ordinaryong tao ang sumusuporta sa kanyang produkto kundi kahit mga sikat na personalidad sa showbiz at mga artistang kanyang iniidolo ay ginagamit na din ang mga produktong kanyang ibinebenta.

Ilan nga sa mga artista na tumangkilik sa produkto ng ISLA.co ng dalaga, ay sina Cristine Reyes, Pokwang, Elisse Joson at marami pang iba.

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Makikita naman sa binahaging larawan ng dalaga ang kanyang naging humble beginning kung saan tila siya’y nasa isang lumang bodega habang kinukunan ng larawan ang isang pares ng produkto na kanyang ibebenta online.

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Photo credits: Rehm | Facebook Page

Sa sumunod na larawan naman ay ipinakita ng dalaga ang malaki ng pagbabago sa kanyang pagnenegosyo, kung saan ngayon ay mayroon na nga siyang bodega kung saan naman nakalagaya ang napakarami ng stocks ng kanyang produkto.

“Ang pangarap ko na makita kong suot ng bawat isa sa inyo ang aking produkto ay unti-utni ng natutupad. Maraming salamat”, saad ng dalaga sa kanyang post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *