Bumilib sa Agaw-Pansin na Modern Tiny House na Ito na Mayroong Vegetable Garden at Malawak na Front Yard

Malayo pa lamang ay kapansin-pansin na ang modernong tiny house na ito na talagang naiiba dahil sa modernong hugis at disenyo nito. Isa nga sa magandang feature ng bahay ay ang flat at sloping na bubong nito. Napalilibutan din ito ng tinted glass windows na nakatutulong upang mapanatiling pribado ngunit maliwanag at maaliwalas ang loob ng bahay sa buong maghapon.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

May patio rin sa labas ng mismong bahay kung saan maaaring makapagrelax ang homeowners sa ilang benches dito. Maaari ding makapaglaro ang mga bata sa parteng ito ng bahay.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Pagpasok naman sa loob ng tiny house ay makikita ang neutral colors nito gayundin ang wood accents na makikita sa mga mwebles at iba’t ibang parte ng bahay. Mayroong kulay puting sala set sa living room. Upang lalong gumanda ang espasyo ay naglagay ang mga designers ng ilang bulaklak at artworks.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Mayroong open layout ang bahay kaya naman mula sa living room ay makikita ang dining area at kusina. Ang kusinang ito ay mayroong black and white na tema. Mapapansin din na limitado lamang ang espasyo rito kaya naman sa bawat sulok ng lugar ay naglagay sila ng mga kabinet bilang storage space. Maliit naman ang dining table ng pamilya ngunit pasok pa rin ito sa tema dahil gawa ito sa kahoy.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Bukod sa mga ito ay ipinasilip din ng designer ng bahay ang ilan sa mga kwarto. Dahil maliliit lamang ang espasyo rito ay mayroon lamang itong simpleng couch at kabinet na mayroong katamtamang laki. Upang magkaroon naman ng karagdagang sleeping area para sa pamilya o para sa kanilang mga bisita ay mayroon ding loft ang tiny house na ito. Bukod sa kama na maaari nilang mailagay rito ay pwedeng-pwede rin silang magdagdag pa ng sofa bed at ilang storage cabinets.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Sa labas naman ng bahay, partikular na sa front yard ay mapapansin ang malawak na sukat nito. Mayroon lamang itong dalawang sementadong pathwalk na magdadala sa mga homeowners sa main door at likurang bahagi ng tiny house. Dahil dito, maaari pang maglagay ang mga homeowners ng deck na mayroong mga upuan, mesa, at patio umbrella.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Lalo ring mapapaganda ang front yard na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang mga halaman at bulaklak. Sa likod na bahagi naman ng bahay ay makikita ang isang vegetable garden na maaari pa nilang palaparin sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang front yard.

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Erwin A. Sitchon | Facebook Group Home Buddies

Talagang maganda at bagay na bagay ang ganitong modernong disenyo ng tiny house para sa mga homeowners na nais manirahan sa malawak, simple, at tahimik na lokasyon sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *