”Atty, bumili ka na ng sasakyan mo. Di bagay sayo ang nagtrtricycle. Parang di ka abogado” Isang Abogado Sinagot ang mga Nagsasabing Dapat Bumili Siya ng Kotse Para Matawag na Tunay na Abogado

Sa mundong ating ginagalawan ay sadyang hindi natin maiwasan ang mga taong mapanghusga. Anuman nga ang ating gawin, ay may masasabi at masasabi pa rin ang iba. Ngunit, sa halip na patulan, ay tila nakasanayan na nga natin ang ganitong pamumuhay.

Hindi lamang artista at kilalang personalidad sa showbiz ang nakakaranas na husgahan ng ibang tao. Dahil maging ang isang abogado na tulad ni Atty. Kathrine Jessica Calano, ay nakakaranas rin ng ganitong bagay. May mga tao umanong hinuhusgahan ang kanyang propesyon at bumabase lamang sa materyal na bagay.

Ngunit, sa kabila nito ay pinatunayan ni Atty. Calano na hindi basehan ang materyal na bagay o pag-aari upang patunayan ang kakayahan o propesyon.

Photo credits: Kathrine Jessica Calano | Facebook

Tila nga hindi na nakapagpigil pa si Atty. Calano na ilabas ang kanyang saloobin patungkol sa usaping ito. Kaya naman, kinuha nya ang pagkakataong mailabas ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagpost sa facebook. At upang masagot na rin ang mga taong nagsasabi na dapat bumili siya ng kotse dahil isa siyang abogado.

Photo credits: Kathrine Jessica Calano | Facebook

Si Atty. Calano kasi ay matiyagang hinahatid ng kanyang ama gamit ang isang van tuwing umaga sa kanyang opisina, at pagsapit naman ng uwian ay nagko-commute naman siya sa tulong ng traysikel upang makauwi sa kanilang tahanan. Sa tuwing may dinadaluhan namang hearing, ay matiyaga rin siyang nagko-commute. At dahil nga isa siyang abogado, ay marami ang nagsasabi sa kanya na bumili siya ng kotse dahil nararapat umano sa isang abogado ang nakakotse.

Ngunit, balewala ang lahat ng ito kay Atty. Calano, anuman ang sabihin ng iba ay tinatawanan na lamang niya. Para kasi kay Atty. Calano ang maging isang abogado ay hindi kailangang magmukhang mayaman o magkaroon ng materyal na bagay tulad ng kotse para lang masabi na isang abogado.

Ayon pa nga kay Atty. Calano, ay marami umano ang taong mapanghusga kung saan ay bumabase lamang sa materyal na bagay na kung tutuusin ay hindi dapat sapagkat lahat ng bagay ay may dahilan. Tulad na lamang nga niya, na kahit na isa siyang abogado ay mas pinili niyang sumakay sa traysikel kaysa bumili ng kotse dahil may mga bagay na mas prayoridad niya.

Photo credits: Kathrine Jessica Calano | Facebook

Narito ang pahayag ni Atty. Calano

“Let me tell you this: you don’t have to prove your professional capacity with the properties you own. I would understand if I am told to consider buying a car for convenience or for safety and security more so if hearings are outside the City. But if I am told to buy one to look like a lawyer? Bro, pass! I don’t need to stage my life just so I can justify my profession. Bibili ako once kaya na ng savings ko.”

“Reality is, we quantify one’s intellect and skills with the properties and material things he owns. Ang sad no? What we don’t realize is that we have our own priorities, our own timelines. One lawyer or any professional who is only practicing for a year could buy a car or a house in a snap because maybe, that is his priority. While another who is practicing for five years couldn’t buy one because his priority is to save for the education of his siblings, for the medication of an ailing parent, for preparation of marriage, or for charity-who knows? Regardless of priorities and of properties, we should stop equating intellect and skills with wealth. Hindi dahil hindi pa siya mayaman, bobo na siya. Malay natin hindi lang siya corrupt. 💁🏻‍♀️
Is it lack of ambition? Yes if you are lazy. No if you have other necessary priorities.”

Another random realization.
A lot of people would usually tell me “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo. Di bagay sayo ang nagtrtricycle. Parang di ka abogado,” or “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo, easy na lang yan sayo,” or “Magcar loan ka na, dapat priority mo ang sasakyan.” I would respond with a polite smile. All I could do is to politely smile because if I would respond honestly, I would only come out rude especially when I would point out that being a lawyer doesn’t mean that I should look rich or I should be rich for that matter. Plus, my dad would drop me off in the office every morning so a tricycle commute ride home is no big deal.
Let me tell you this: you don’t have to prove your professional capacity with the properties you own. I would understand if I am told to consider buying a car for convenience or for safety and security more so if hearings are outside the City. But if I am told to buy one to look like a lawyer? Bro, pass! I don’t need to stage my life just so I can justify my profession. Bibili ako once kaya na ng savings ko.
Minsan kasi, we are too judgy no?
“Uy nagtrtricy lang si Atty oh. Di man lang makabili ng sasakyan. Baka kasi hindi malakas ang kita kasi wala siyang clients. Baka hindi matalino.”
“Uy tignan mo yung bahay ni Engr oh, ang liit ng bahay. Baka walang clients kasi hindi maganda ang gawa.”
“Uy tignan mo si ma’am oh, matagal na yang teacher pero di pa nakakapundar. Hindi siguro magaling yan, kasi kung magaling yan government teacher na sana yan.”
“Uy tignan mo yang nurse na yan. Ang tagal na niyang nurse pero sa apartment pa rin nakatira. Di kasi tumataas ang sahod kasi hindi napropromote. Hindi siguro magaling yan.”
Reality is, we quantify one’s intellect and skills with the properties and material things he owns. Ang sad no? What we don’t realize is that we have our own priorities, our own timelines. One lawyer or any professional who is only practicing for a year could buy a car or a house in a snap because maybe, that is his priority. While another who is practicing for five years couldn’t buy one because his priority is to save for the education of his siblings, for the medication of an ailing parent, for preparation of marriage, or for charity-who knows? Regardless of priorities and of properties, we should stop equating intellect and skills with wealth. Hindi dahil hindi pa siya mayaman, bobo na siya. Malay natin hindi lang siya corrupt. 💁🏻‍♀️
Is it lack of ambition? Yes if you are lazy. No if you have other necessary priorities.
What’s my point? Wala. Bahala na kayong gumets. Let me just enjoy my tricycle ride and my coke float in peace.”‘