Andi Eigenmann, Ibinida ang Kanyang Mas Fit at Slim na Pangangatawan sa Kanyang Latest Social Media Post

Noong nakaraang taon, ay ibinahagi ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang kanyang weight loss journey, matatandaan kasi na muling lumubo ang timbang at katawan ng aktres matapos niyang magbuntis at manganak sa bunsong anak niyang si Koa.

Samantala, makalipas nga ang isang taon, ay tila na-achieve na ni Andi ang kanyang fitness goal, matapos niyang ibahagi nito lamang nakaraan sa kanyang Instagram account ang mga bago niyang mga larawan na nagpapakita ng mas fit at slim na niyang pangangatawan ngayon.

Sa kanyang post, ay ibinahagi ng aktres at vlogger kung bakit importante na magsimulang muli sa pagwo-workout para magkaroon ng mas fit na pangangatawan, ito ay matapos niyang manganak sa bunsong anak niyang si Koa noong taong 2021.

“Enjoying the journey towards wellness, keeping in mind that a healthy self is all about balance.⚖️”, ang naging saad ni Andi sa kanyang naging post.

Dagdag pa niya, “I’m happy to make it a duty to care for my body because as I grow older, I’ve found that when I take good care of my physical health (inside and out), it spills over into other aspects of my being that are, in hindsight, more of a priority to me.😃”

Sa kaparehong post, ay nagbahagi din si Andi ng kanyang maipapayo sa kung papaano maging seryoso at hindi mag-give up para magkaroon ng mas mabuting kalusugan.
Mababasa naman sa comment section ang napakaraming komento ng papuri at suporta para kay Andi mula sa mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz, dahil sa kanyang pagsisikap at pagtitiyaga ng husto para ma-achieve ang pagiging fit niya. Ilan sa mga nagkomentong aktres ay sina Anne Curtis, Janine Gutierrez, Gretchen Fullido, Jessy Mendiola, Bea Alonzo, Katarina Rodriguez at Carla Humphries.

Makikita naman talaga sa mga larawan ngayon ni Andi ang kanyang mas fit at slim ng pangangatawan, at talagang masasabi na napakalaki ng naging tulong ng ginawa niyang pagwo-workout. Maliban sa pagwowork-out isa din sa mga hilig gawin ni Andi ay ang pagsi-surfing, lalo na ng siya ay manirahan na sa isla ng Siargao.

Taong 2018 ng magdesisyon si Andi na iwan na ang siyudad ng Maynila at tuluyan ng manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo. Kasama nina Andi at Philmar sa paninirahan nila sa isla ang mga anak nilang sina Koa at Lilo, ganun din ang panganay na anak ni Andi na anak niya sa ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito, na si Elie.

Sa kasalukuyan ay hindi na aktibo sa pag-aartista si Andi, at ang huling proyekto na kinabilangan niya ay ang horror film na All Souls Night na pinalabas pa noong taong 2018. Ang p inagkakaabalahan naman ngayon ni Andi at ng kanyang pamilya a ang pagba-vlog, kung saan ang kanilang YouTube channel ay tinawag nilang Happy Islanders, na nagpapakita ng buhay nilang pamilya sa isla at ngayo ito ay mayroon ng 2.56 subscribers.