53 Years Old na Ancestral House na Naitayo Noong 1970’s Binigyan ng Bonggang Renovation na Ngayon ay may Kahanga-hanga ng Modernong Disenyo sa Loob

Sa YouTube channel ng OG, ay napakarami ng mga nagagandahang tahanan ang ating nasulyapan. Ang iba sa mga ito, ay mga retirement home, farmhouse, tiny house at marami pang iba.

Isa na namang panibagong tahanan ang ibinida sa OG nito lamang, kung saan ito’y hindi lamang isang tahanan, kundi isang ancestral home na ipina-renovate para gawing isang content studio.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ibinahagi ng Content Creators na sina Melai, 33 taong gulang at James, 37-taong gulang sa YouTube channel na OG ang kanilang kamangha-manghang Cotent Studio, na ayon sa kanila ay na-achieve nila matapos nilang ipa-renovate ang isang ancestral home na kanilang nakita sa FB market. Ayon pa kay Melai, ilang taon din silang naghanap ng bahay na maari nilang gawing content studio, at maswerte naman sila at nila ang ancestral home na ito na ibinebenta sa FB market ay kanilang nakita.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagbabahagi pa ni Melai, ang ancestral home na ito ay pagmamay-ari ng isang prominenteng pamilya. Saad pa niya, dahil sa napakatagal ng nakatayo ng tahanan na ito, noong una nila itong masilayan ay tila isa itong haunted at abandonadong bahay. Pag-amin naman ni Melai, naging challenge din umano sa kanila ang pagpa-renovate ng tahanan na ito dahil sa kalumaan na nito.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Samantala, sa pagpapasilip nina Melai at James ng naging napakagandang resulta ng renovation na ginawa nila sa dating ancestral home na ito na ngayon ay isa ng napakagandang content studio nila. Unang ipinakita ni James ang labas na bahagi nito, kung saan ayon sa kanya ay dating napakaputik na bahagi ngunit ngayon ay napaka-aliwalas at ganda na matapos nila itong ipalandscape at lagyan ng fake grass.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Kasunod naman na ipinakita ni James ay ang patungo na sa loob ng naturang tahanan, kung saan unang mapapansin ang isang bricks wall, na ayon sa kanya, isa ito sa mga niretain nila mula sa dating hitsura ng ancestral home. Ipinakita din niya ang main entrance na ayon sa kanya ay tipikal na main door lang noon, ngunit kanila ngang pinabago at ginawang mas malaking main door na pina-customized pa nila.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagpasok sa maindoor ay kaagad na bubungad ang maaliwalas na living room, ayon kay James ito ang living room 1 na nasa 30sqm na may 12 ft height. Makikita sa bahagi na ito ang mga basic aesthetic furnitures na kanila talagang inilagay para sa mga nagnanais na magshoot sa content studio nilang ito. Isa pa din umano sa talagang agaw-pansin sa living area 1 na ito ay ang French arch door na siyang nagdadagdag ng natural na liwanag.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Matapos na ipasilip ni James ang living area 1, ay sunod naman niyang ipinakita ang living area 2/vip room/dressing room. Pagbabahagi ni James, sa bahaging ito ay pwede ding mag-shoot, pero at the same time ay maari rin itong magsilbing lounge area o dressing room. Makikita din dito ang mga basic aesthetic furnitures.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinakita din niya ang isa pang make-up area, na pang dalawang tao. Pagbabahagi niya sa area na ito ay mayroong mga wardrobes na maaring magamit ng mga magsho-shoot, mayroon din itong sariling bath area.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Si Melai naman ang nagbigay pasilip sa kitchen at dining area ng content studio nilang ito, kung saan ang una niyang ibinida ay ang glass doors nito. Ipinakita din niya ang dining table na may iba’t ibang dining chairs. Kamangha-mangha din ang mga lightning ng dining area.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Kasunod na ipinakita ni Melai ang kitchen area na may temang puti, at talaga naming napaka-perpekto para sa mga mag-cook show.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinakita din niya ang dirty kitchen, kung saan dito maaring pwedeng i-prepare ang mga gagamitin sa cook show sa main kitchen area.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Matapos naman ibahagi ang kitchen at dining area, ay sinunod naman ipasilip ni Melai ang ikalawang palapag kung saan makikita ang mga concept room.

Sa kabuuan ay masasabing tunay na napakaganda ng naging resulta ng renovation sa dating ancestral home na ito, dahil mula sa pagiging isang haunted at abandonadong bahay, ito ngayon ay isa nang napakaganda at perpektong content studio.

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits to Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ayon naman kay James, ang inabot ng renovation nito ay nasa 4.8 milyon kasama na ang mga furnitures at fixtures.

Sa mga nais naming mag-book sa content studio na ito para mag-shoot, ay maaring kumontak sa kanilang Facebook na B&B Studios.

Content Creators, Step Inside this Ancestral Home Renovated into a Stunning Content Studio | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *